Total Pageviews

Ninja Followers :)

Sunday, September 13, 2015

Kung maibabalik ko lang..

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan..
Hindi ako kukuha ng nursing.

Hindi eto ang first choice ko.

Hindi ako okay.

Masaya minsan, pero madalas..

Malungkot.

Hindi ko halos matanggap sa sarili ko na hinayaan ko maging walang kwentang professional. :'(

Walang trabahong regular.

Walang maitulong sa pamilya.

Walang Silbi. :'(

1 comment:

  1. Ang tanging pagkakamali mo lang ay pumili ka ng isang kurso na hindi mo talaga gusto. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Dahil ako naman ay HRM ang natapos dahil nung mga panahong kailangan kong mag-desisyon ng panghabang-buhay na kapalaran, ipinangako nila na maraming trabahong naghihintay sa atin, HRM at nursing ang in-demand noong mga panahong iyon. Makalipas ng ilang taon, heto ako at may trabaho pero napakababa ng tingin. May nagsabi pa sa akin na course daw ito ng mga bobo dahil hindi katulad ng nursing na atleast may board exam at may titulo ka, RN. Kahit sino rin ay pwedeng mag-apply as long as pasado sa height at napakadaling humanap ng papalit. Masaya ako sa napili kong kurso at isasampal ko sa nagsasabing course ito ng bobo at waiter lang kami pag-graduate. Oo, hindi mga matatalino ang kumukuha ng kursong ito pero hindi rin bobo. Paano ka magpapatakbo ng isang hotel o restaurant kung wala kang alam? Dedikasyon, people skills at commonsense ang kailangan dito at hindi lang pagiging magaling sa academic. Hindi ka walang silbi, alam kong balang araw makakatulong ka din sa pamilya. Saludo ako sa mga nagtapos ng nursing at alam kong nasa puso mo ang pagigin nurse kahit na hindi maging nursing ang trabaho mo. Hindi dapat natin itali ang buhay natin sa isang papel. You're worth more than your diploma at alam kong mahirap pero ngayon ko natutunan na hindi dapat ako mabuhay ayon sa sinasabi ng iba.

    ReplyDelete

Just say anything you want. :)