Total Pageviews

Ninja Followers :)

Sunday, September 13, 2015

Kung maibabalik ko lang..

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan..
Hindi ako kukuha ng nursing.

Hindi eto ang first choice ko.

Hindi ako okay.

Masaya minsan, pero madalas..

Malungkot.

Hindi ko halos matanggap sa sarili ko na hinayaan ko maging walang kwentang professional. :'(

Walang trabahong regular.

Walang maitulong sa pamilya.

Walang Silbi. :'(

EXPLOITED NURSES IN THE PHILIPPINES

Nalulungkot ako kung paano maliitin ang mga nars dito sa pinas.
ni wala kang makuhang trabahong maayos..

Nag apply ako kanina sa isang derma clinic, habang papunta,
naka set na utak ko na kukunin ko yung trabaho. Dahil gusto ko talaga
sa mga clinic. Kahit mimimum ang bayad, okay na sakin.

Ramdam ko, papunta pa lang ako, matatanggap agad ako.
Okay sana yung trabaho, kaso ang catch,

150 lang ang bayad ng training samin for 2 weeks, tas biglang sinabi na
"Okay lang ba na ibabawas sa sahod nyo na 10k per month ang 60k na
ginastos ng company sa training nyo sainyo at di kayo pede umalis ng 2 years?"
At kapag umalis, breech of contract yun. Hay..

Yung unang applicant na kasama ko, umalis na. Malamang, hindi sya pabor sa
kalokohan na yun. Ako naman, naisip ko okay yung trabaho na 2 years na contract,
pero yung babawasan pa yung barya naming sahod, hindi na ata tama yun.

Final interview ko na sana, kaso..napag isip-isip ko..
Para naman akong nag trabaho nun ng dahil sa utang na 60k.
Masyado nyo na inapak-apakan ang pagka nurse namin.


Friday, August 7, 2015

"Mahal ko.."

Hindi ko alam paano sisimulan..
Pero ang alam ko pareho pa tayo namromroblema noon,
hindi natin alam pareho anong trabaho ang papasukan natin
dahil pareho tayo sumusuko agad...


Sa sobrang lakas ko kay Lord, binigyan nya ako trabaho bilang nurse na talaga.
Gusto kita makasama sa trabaho noon kaso hindi kapa board passer..

Hindi nag tagal, nagkatrabaho ka din. Yun yung pinaka masayang nangyari sa
buhay nating dalawa. Dahil sa Ortigas ka na assign, dito ka sa Quezon City nag stay.
Sa bahay. Tayong dalawa magkasama halos dalawang taon din yun.

Dumating sa punto na naglakas loob kana ulit mag take ng board exam..
Hindi kita pinabayaan, tinulungan kita hanggang sa abot ng aking makakaya..
Sobrang saya ko nung pumasa kana. Ako ang unang nakaalam. Pero alam mo
yung feeling na may kurot eh. Damang-dama ko eh. Ang sakit sakit.

Ikaw, sayo ko binuhos halos lahat ng attention ko. Sabi mo noon, mag hahanap kana
ng ibang trabaho yung malapit nalang sa bahay natin. Masaya ako nung panahon na yun.
Umasa ako, aaminin ko. Kahit alam ko hinding-hindi mangyayari un.

Pero ngayon, nagbago na naman ang gusto mo. May trabaho kang papasukan
malapit sainyo..3 oras ang byahe bago makapunta sainyo. Ibigsabihin dun kana rin
mag stay pang habang buhay. Parang unti-unting bumabagsak ang buhay ko.

Ayoko na maging selfish, gusto ko maging masaya ka. Gawin mo lahat ng gusto mo.
Magkaron ka ng trabahong hindi ka ilalayo sa pamilya mo. Kahit malayo ka sakin,
kahit hindi na tayo magkita. Okay lang..basta maging masaya.

Sana hindi ka magsisi sa mga plano mo sa buhay, kahit wala ako. Alam ko magiging okay ka,
dahil sobrang swerte mo sa family mo. Tutulungan ka nila.

Wag ka mag-alala sakin. Kaya ko sarili ko. Yung family ko hindi kasing galing ng pamilya mo. Hindi kasing supportive ng family mo.
Kaya ko kahit ako lang. Kaya ko. Kakayanin ko.

Wag ka mag alala, magiging okay din ako.
Masasanay din ako na malayo tayo sa isa't-isa. Kahit ang hirap-hirap.

Yung pakiramdam ko ngayon, back to zero nanaman ako. Ako nanaman mag-isa.

Kahit alisin mo na ako sa mga pangako at plano mo sa buhay. Basta maging masaya ka.

Kakayanin ko.

Kaya ko..

:'(

Mahal na mahal kita. Gusto kita maging masaya.

Thursday, April 23, 2015

"Nurse sa Pinas"

Apat na taon na ang lumipas ng mag tapos ako sa kursong 'Nursing'. Apat na taon pero parang kahapon lamang. Mahirap makipag sabayan sa libo-libong nurse na umaasa na magkaroon ng maayos at matinong trabaho. Hindi naging madali ang buhay nars ko sa bansa natin. Akala ng nakararami, kapag nurse ka, mayaman ka dahil kaya kang ipag-aral ng mga magulang mo sa kursong halos pilipitin ang utak ko ng apat na taon.

Nung nag aaral pa lamang ako, aaminin ko..hindi ko binigyan ng importansya ang kursong akala ko hindi naman bibigyang kulay ang buhay ko. Matigas man ako sa mata ng nakararami noong kabataan ko dahil ginagawa at sinasabi ko ang gusto ko ng hindi iniisip kung may matutuwa o masasaktan ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

Hindi naging madali. Sobrang hirap. Akala ko, hindi ko matatapos ang kursong hindi naman ako masaya sa umpisa pa lamang. Hindi rin nag tagal, natutunan ko intindihin ang importansya ng pagiging "nurse". Sa mata ng nakararami, ang pagiging nurse ay ang pag sunod sa utos ng mga doktor, pag bibigay ng gamot at pag aalaga laman sa mga pasyente.

Nagkakamali kayo. Para saakin, "It takes guts to be a NURSE". Utak at katawan ang kailangan mo paganahin sa trabahong tulad nito. Walang break time-break time, walang ihi-ihi, walang kain-kain, at walang pahinga-pahinga. Lahat yan naranasan ko.

Pero sa kabila ng lahat, sobrang hirap man ng buhay namin, oo buhay talaga kung maituturing ko ang pagiging nurse, ang makarinig lamang ako ng appreciation mula sa mga patient ko, hindi ko alam pero tuma-tumbling talaga ang puso ko! Parang lahat ng pagod nagiging "worth it".

Masaya ako ngayon lalo na ng simula kong maappreciate ang mga Senior Citizen. Parang lahat ng tulong na pwede ko ibigay, ibibigay ko sakanila maging maginhawa at masaya laman ang kanilang pakiramdam. Ang puso kong kasing tigas ng bato ay lumalambot pag sila na ang humihingi ng alalay ko. 

Patient ang nag bibigay kulay sa buhay ko. Sila ang nag papaalala sakin na...

"Naging nurse ako, para sakanila". :)