Total Pageviews

Ninja Followers :)

Friday, June 20, 2014

Hibernate.

Ang tagal ko nawala sa pag susulat, sa mundo na kung saan nailalabas ko ang saloobin ko, ang mundo ng Blogsphere. Halos isang taon mahigit na ng muli ko tong sinulatan. Nawala ako kasi sinubukan ko ayusin ang buhay ko.

Sinimulan ko sa sarili ko. Inayos ko ang nararamdaman ko sa bawat taong nakapaligid sakin. Inalis ko ang galit na nararamdaman ko sa mga taong sobrang pananakit ang naidulot sakin. Naging okay naman ako, naging maayos. At alam nyo naman ang nangyari.

Sinunod ko ang buhay-trabaho ko. Nag training ako para makapunta ng Canada. Gusto ko maramdaman din nila mummy kung gano kasarap mag travel sa ibang lugar. Tapos narin ako sawakas! sa lahat ng training ko para sa pag apply ko sa Canada. Naka line up narin ang mga papeles ko. Halos isang buwan na ang nakalipas ng maayos ko lahat ng iyon. Nag hihintay nalang ako ng employer ko para makapunta doon.

Pangatlo, habang sa pag hihintay ko, sinubukan ko pumasok sa Hotel para magkaroon ng experience. Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging empleyado ng isang 6-star Hotel sa Makati. Pero sa di inaasahan pagkakataon, hindi kinaya ng katawan ko ang lintek na pagod sa hotel na yun. Bukod sa mala-demonyo ang mga boss mo dahil akala ata nila robot ako, wala silang pakialam kung ang pasok ko ay 8am-1am. Madalas sa pag uwi ko mula sa trabaho, nagmamanhid na mga paa ko. Hindi ko rin kinaya pati ang byahe dahil 2 oras bago ako makapasok at umuwi. Sa madaling salita, nag awol ako! Pilit akong tinatawagan ng mga ulupong na hr pero ayoko na. Hinding hindi na nila makikita pa ang bakas ko dun. Hindi ko narin sinoli ang nameplate. Dahil ayoko na bumalik at maalala yung mga paghihirap ko sakanila.

Pang-apat, sa awa ng Dyos, may kakilala ako sa isang maayos na company malapit sa bahay namin. Binalikan ko ang buhay nars. Tatlong taon ko tinakas ang linyang yan sa takot na baka hindi ko magampanan ng maayos ang pagiging nars ko. Pero ang tanging naging bala ko, ay lakas at tibay ng loob. Pumasok ako ng walang kaalam-alam exept sa talinong natitira pa sa ulo ko. Hindi ako nabigo, hindi nila ako binigo. Masaya ako dun, kahit on call lang ako. Pasulpot sulpot na trabaho, pasulpot sulpot na sweldo, pero MASAYA AKO. Ngayon ko na-realize na..Oo, iba parin talaga pag alam mo ang mundong kinagagalawan mo. Kahit andaming nag da-down sakin..MASAYA ako at FULFILLED sa pakiramdam.

Sa bait ni Lord, binigyan pa nya ako ng chance maging part ng isang kilalang HMO company. Na hire ako last week bilang regular na company nars. Pero dahil hindi direct ang hiring process nila, iba-iba ang impormasyon na natatanggap ko. Hindi nag tutugma. Sa inis ko, nag escalate ako agad. Kasi ayoko ng ginagawa nila sakin, lalo na sa lintek na agency namin dahil hindi nga direct. Sabihin na nating nabastos kayo dahil hindi ako dumirecho sainyo, pero alam kong walang mangyayaring action pag sainyo ako dumirecho kasi tatanga-tanga kayo sa totoo lang.

Kahit ang hirap-hirap ng nangyayari sakin. Nakukuha ko nga lahat ng gusto kong trabaho pero yung mga nasa taas, ang humihila sakin pababa. Pero di ako papayag mangyari yun.

Kahit na yung akala kong mga tao na tutulungan ako, susuportahan ako. Palalakasin ang loob ko..wala. :'(
Sobrang nasasaktan ako sa nangyayari kasi hindi ko akalain na haharapin ko to mag-isa. Na ako lang, wala ng iba. Ang hirap, lalo na ibinibigay ko 1000000% ko pero yung kapalit 5% lang na suporta. Nasasaktan talaga ako. Kaya hindi nawawala sa isipan ko araw-araw na at the end of the day, MAG-ISA LANG AKO. :'(

Bakit? Ano ba naging kasalanan ko sainyo? Saan ako nag kulang para tratuhin nyo ko ng ganito? Naging ganun ba ako kasama? Alam ko hindi ako laging mabait, pero hindi ko matanggap talaga na yung mga akala kong susuporta sakin, ay wala pala.

Para akong uma-asa sa hangin na baka isang araw, may mag trato din sakin ng 1000000% nila. :'(

No comments:

Post a Comment

Just say anything you want. :)