Total Pageviews

Ninja Followers :)

Monday, July 1, 2013

It's More than a Movie.

I just got home from Trinoma. Mom and I watched this movie called "4 Sisters & a Movie".

Akala ko it's just the same with all the movie that I have watched, but I was totally wrong.. This movie made me realize how important a family should be.

I realized so many things about family, life, career & love.
I was touched so deeply with the story of it's twist & turns of a normal Filipino family. I realized that I'm 30% Teddie & 70% Bobbie.

What I'm talking about is..yung dalawang character sa story. Apat sila mag kakapatid, may magkakaibang personality. Pero, sobrang touched na touched ako sa dalawang ito. Teddie's the eldest. Isa syang teacher sa Spain, but nung bumagsak ang economy doon, wala syang nagawa kung hindi ay mamasukan bilang waitress & kasambahay para magka pera. She did almost everything to keep it as a secret. In the end lumabas din ang katotohanan na yun. She was crying so hard and I felt the pain she's feelin' kagit di man totoo yun sa buhay ni Toni Gonzaga. Kasi sabi nya..

"Hindi ko matanggap sa sarili ko na ganito nalang ako."

Yung isa si Bobbie. Isang sophisticated na nag tra-trabaho sa NY. Mataas ang pangarap sa buhay. Ambisyosa..pero she was craving for mom & dad's attention since childhood..but she learned that kaya pala hindi sya ang madalas binibigyan ng attention ng magulang nya kasi alam nila na kaya nya mag-isa. Hindi sya mahina at kaya nya maging independent.

She may seem not to care but tumatak sakin ang linya nya..
"Kailangan ko maging malakas at matigas para sainyo dahil nakikita kong nahihirapan kayo, pero kahit matigas ako, nasasaktan din ako."
Not exactly the line but yan yung thought..

I almost cried while watching the whole scene. :'(
----------------

Growing up, I had a hard time understanding the whole situation with my parents. I kept on throwing questions why they don't give all the things that I want & need? but they'll do everything for my Eldest sister..In just a snap, she can have it all. In my case, I have to work hard for everything simple things that I need.

Now, I understand why

I'm 30% teddie. Hindi ko matanggap sa sarili ko na sa taas ng edukasyon meron ako at sa kakayahan ko, hanggang ngayon hindi parin ako napapakinabanggan..but I know someday makukuha ko din yung gusto ko.  Yung magpapasaya sakin. I'm a Nurse, but where I am? Hindi ko makita ang sarili ko as one. :'( It really breaks my heart. It was my mom's dream that I thought I made everything possible for her.. Kasi noon di sya nakapag nursing dahil mahirap lang sila. Minaliit sya ng mga kamag anak namin at sabi hindi nya daw kaya. Ginawa ko lahat para matupad ko ang pangarap ni mama.


I'm 70% Bobbie. I realized na napaka ambisyosa ko din pala. Yung totoo, gusto ko mag ibang bansa..alam ko mahirap lalo na at mag-isa ko yun gagawin. Nag paalam na ako kay mama na balak ko mag Canada..sabi ko.. "Walang mangyayari satin kung ayaw ni ate mag ibang bansa." Alam ko kaya ko..sa sobrang tigas ko, alam kong kakayanin ko yun. Pero just like Bobbie, kahit matigas ako, nasasaktan din ako..bunso ako pero I need to do the duties & responsibilities of my sister. Sya kasi, masaya sa trabaho nya. Kuntento. Kaya hindi na sya nag hahanap pa ng iba kahit di ganun kalaki ang sahod..kahit di enough saming lahat ang kinikita nya..


I hope someday, things will fall into it's own happy ending.

No comments:

Post a Comment

Just say anything you want. :)