Total Pageviews

Ninja Followers :)

Friday, June 28, 2013

Bullet Jeepneys!

Late ako naka-tulog kabagi..
and my alarm was set to 6am!

Kamusta naman diba?
ayun lasing na lasing ako sa antok..
7am na ako bumangon then 8am umalis na
kami ni mama papuntang antipolo, pansin ko lang sa mga jeep from cubao to antipolo, grabe ang harurot! literal na lumilipad at para akong nag hilamos at naligo sa alikabok pag uwi. Agad-agad ako naligo pag uwi ko dahil sa damang-dama ko ang sobrang dumi sa aking sexy body! chos! :))  at sa sobrang antok at pagod sa byahe, naka tulog ako ng mga 5pm pag dilat ko ang dilim na..7:30pm na pala..

Wala akong gana kumain ngayon gabi kaya nag cereals nalang ako.. Pero parang nasusuka ako, umaakyat yung kinain ko.. Jusme!

Something's bothering me..
but I know, kung ano man yun,
malalagpasan din kita..

I will never give up that easy.

With Papa God, I know I'm not alone. :)

Hope someday, maging okay din ang lahat..

Kaya namin to. :)

Wednesday, June 26, 2013

Happy Heart.. ^_^

My heart's happy.
Yes, I am.

She makes me happy in so many ways..
though hindi pa kami..
but we act like we are..

Siguro M.U.. or dating??? may ganun! :))
She's important..
Very..Yes!

We talked the other night, about us.. Kasi naguguluhan ako, I don't know where I should stand, lalo na pag tinatanong kami ng mga kaibigan namin kung kami na..lagi ko nalang sinasabi na hindi pa kami. Kasi wala parin kaming confirmation..Sabi nya ayaw nya ma-pressure na baka di nya magampanan ang pagiging isang partner, minsan napa-paranoid ako sa kung ano tumatakbo sa isip nya..

Nahihirapan din naman sya, hindi lang ako. Ayaw nya ako mawala, ayoko din mawala sya, to where we are right now, masaya na ako sa ganito. I said if gusto nya mag focus sa work, dun umakyat sa climax ang emotion nya habang nag uusap kami sa skype..Umiyak sya, I just wanna hug her that moment and make her feel na hindi ako mawawala, hindi ako lalayo. Kung sa ganitong set-up sya masaya at comfortable, It's what I'm gonna give her. Hindi ko sya sasakalin, hindi ko ipipilit kung ayaw nya ng title for us.

I trust her, she gave me an assurance na akin sya at sakanya ako. Sana sya na.. Gusto ko sya ang makasama ko until we turn old & grey.. Ayoko mawala ang kung anong meron kami. Kung mawawala pa kami, ayoko na.

She's definitely the last.

And last night, she totally made me happy..sabi nya kung ayaw ko daw ba dun sa isang kaibigan namin, I said ayoko. Then mejo parang napaisip ako.."ano ba gusto mo maghanap pa ako???" but bigla nya sinabi, "Hindi kita binubugaw ha, I want them to make tulo laway! I will not give you!:))" meaning sakanya lang ako..gusto nya sakanya lang..

That moment, ang saya ko sobra kahit di ko sinasabi..sobrang saya ko promise. Then nakatulog na ako..di sya ganun ka-sweet but I really really like it pag sinasabi nya na mahal nya ako. Lalo na nung nagising ako in the middle of the night..sobrang lasing na lasing ako sa antok..bigla nya sinabi.."Off mo na light mo, matulog kana ulit..I love you" Holy crap!!! Alam mo yung feeling na gusto mong labanan yung antok mo tas marinig ulit yun. Ang dami nyang beses sinabi..pero sa utak ko naiisip ko..
"Totoo ba yun sinasabi nya?? Jusme Lord isa pa!!! :)"

Ay basta masaya! ^_^

Mali man kami sa mata ng marami, hindi rin naman namin pinipilit na gustuhin nyo ang relasyon na meron kami at ang mga katulad namin.

Basta masaya kami sa ganito. :)

And so much happy with her.

Sunday, June 2, 2013

Blessed.

Blessed with Her. :)

Yes. I met her. I'm Happy. I'm contented.

Wala akong nakikitang mali sa kung ano man ang meron kami, basta ang alam ko masaya kaming dalawa sa tuwing magkasama. Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan pero basta, MASAYA kami. :) Kung si Charice nga ay umamin na kahapon na tomboy sya eh. Ano ba ang masama dun kung dun sya sasaya, pabayaan nalang natin sya. I'm not promoting homosexuality, but what I'm trying to say is, people should treat us equally..

Habang nanonood kami kahapon ng 'The Buzz' ni mama..
Kahit noon pa, alam ko tanggap at tatanggapin nya ang tulad ko.
My heart was so happy when mom suddenly says...

"Kasalanan ba naman nya na tomboy sya eh ang bakla nga ganun din.."- mami bear 

Grabe lang! Yung kilig ko na parang bulate at ingiti ko na abot langit! :)
Hindi man nya sinasabi sakin ng direkta, pero alam ko may respeto ang
Nanay ko sa mga tulad ko.. 

And with this girl I'm with..MASAYANG-MASAYA AKO. :)

Hindi ko man alam kung san kami mahuhulog, pero masaya ako.

May mga oras nga lang na natatakot ako mawala sya kasi 'hindi kami'.

Wala kaming confirmation, na kami na talaga kahit parang mag-asawa na kami kapag magkasama..
Siguro, mas masaya kung or mas magiging kampante ako kung may confirmation na kaming dalawa, siguro hindi pa ngayon..gaya nga ng sabi nya, "In God's time."

Femme ako, Soft butch sya. Pero ang dami na nag sasabi na magkamuka kami, at worst may nagtanung samin kung kambal ba kami!!! walangya yan oh! hampasin ko si Kuya eee. :)))

Alam ko mahal nya ako, mahal na mahal. Ramdam ko. :)