Total Pageviews

Ninja Followers :)

Friday, October 12, 2012

Cold Heart

She wants me to go..
She's setting me free..
But she's all I have..
I made a mistake..
A mistake that will
change us forever I guess..

I still want her back.. :'(

I'll die I swear.

Sunday, September 23, 2012

Dengue ALERT!


  Sabi ko pa naman noon, hindi pa ako nag kaka-dengue ever since..
halos isang linggo ako may sakit. Nagsimula nung isang linggo ng gabi..
Akala ko, nilalamig lang ako bigla..at 'ber' months na..
Nag talukbong ako ng kumot pero anak ng tokwa bat parang
centralized ang bahay namin sa lamig?? Isinara ko ang bintana..eh bat
parang lalong lumamig?? at duon ko napagtanto..lintek nilalagnat ako!
after 4 years! ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagkakaroon ng lagnat..

Nag txt ako sa nanay ko na dalhan ako ng kumot..3 kumot na pero bumubulusok
parin ang taas ng lagnat ko! 11PM ng gabi nag punta na kami sa ER, at dahil
first day pa lang, hindi na-detect ang dengue ko at pinipilit ako paalisin sa
ER dahil wala akong dengue..pero humingi ako ng med cert para dina ako pumasok
ng dalawang araw..

WEDNESDAY NA. Pinilit ko na pumasok kahit nilalagnat parin ako..
tangina lang kasi..this is so not me. NGAYON lang ako nag absent ng ganito
2 days!? fck. Wasak ang stats ko at rank ko panigurado.

Pero 2 oras pa lang ako sa office nun, ayoko na. Gusto ko na umuwi, matulog at magpahinga.

Buti nalang maaga out ko, 5AM-2PM ang pasok ko. Nag text ulit ako kay mother bear...
sabi ko eto na to, let's go to ER baby!!! Ayun antagal ko nakahiga..nilalagnat parin..
Pak! Nagising nalang ako..sabi i-admit na ako.. sawakas..gagaling na ako..
Kahapon lang ako nkauwi..

PERO ANG MALUNGKOT NA PART..DITO KO NALAMAN
KUNG SINO MGA KAIBIGAN KO. 2 LANG ANG DUMALAW SAKIN, ANG BEST FRIEND KO AT ELEM. FRIEND KO..
ANSAKIT..NASAAN NA ANG MGA TINURING KONG KAIBIGAN??? BAKIT NUNG NAOSPITAL KAPATID KO ANG DAMI NAG PUNTA? ALAM MO YUNG NAIIYAK NA AKO SA SAKIT NA NARARAMDAMAN KO PHYSICALLY & EMOTIONALLY..NA HALOS HILINGIN KO NALANG NA MAMATAY NALANG AKO SA DENGUE..WALA NAMAN PALA AKONG MGA KAIBIGAN.. :'(

HANGGANG GOOD TIME LANG PALA KAYONG LAHAT MGA LECHE!

Sa wednesday nalang din pala ako papasok..dahil wala na akong gana mag trabaho..dahil sa mga indianong bobo kong mga boss..

Sunday, September 16, 2012

I won't give up on us..

It's been 2 weeks..
Ang tagal na nating hindi ok, :'(
Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko..na halos gusto mo na isuko ang lahat..
Lahat ng pinag hirapan natin..hindi ko kayang mawala lahat yun ng
ganun ganun nalang..

Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako sumusuko sa buhay ko..
Sorry naging selfish ako, naging obsess ako sa future..para saatin naman yung mga
pangarap ko..gusto ko lang dumating yung panahon na masaya tayo sa simpleng stable na buhay..
ang gusto ko lang naman ay matupad ang mga pangarap mo.. na magkaroon tayo ng simpleng
masayang buhay...

Kung sumusuko kana, kung natatakot ikaw..AKO HINDI!

Nung lumabas tayo nung isang araw..halos mamatay ako sa sinabi mo na..
"Miss mo na ba ako? My friend?"

Hindi ko alam sasabihin ko, naiiyak ako kasi miss na miss ko na yung 'tayo'.
Gustong gusto na kita mayakap at mahawakan ang kamay mo tulad ng dati..

Hinding hindi ako susuko saatin, hindi ako matatakot na sumubok ulit..
Ipaglalaban kita hanggang mamatay ako. Yung pangako mo nalang ang pinanghahawakan ko,
sabi mo tayo na hanggang tumanda tayo..tayo na sa hirap at ginhawa ng buhay natin.. :'(
Hinding hindi ako susuko sayo.. Kahit anung gawin mo ikaw at ikaw lang ang gusto ko..

HINDI AKO SUSUKO SAATING DALAWA! NANGARAP TAYO NOON, SANA MAGING OK NA TAYO..SANA..TAYO NALANG ULIT..SANA WAG KANA MATAKOT..I'VE LEARNED MY LESSONS.

ARAW ARAW, PINAGDADASAL KO NA SANA TAYO NALANG ULIT. PARA HINDI GANITO..ANG LUNGKOT LUNGKOT NG BAWAT GISING KO SA UMAGA..

NATATAKOT DIN NAMAN AKO, NA BAKA ISANG ARAW IPAGTABUYAN MO NA AKO PAG GISING KO, PERO KUNG SUSUKO AKO SAATING DALAWA, WALANG MANGYAYARI SAATIN..

I'M KEEPING MY PROMISE..I WON'T GIVE UP ON US. :'(

Wednesday, August 29, 2012

Ano gagawin ko? :'(


Yung totoo, hindi ko na alam gagawin ko.

Ang napaka galing naming company ay nag labas ng Metrics na walang kwenta.


Bwisit kayo mga indians! Sabihin nyo nga sakin kung paano naging repeat call
ang Voice Mail issue at Call Forwarding?! Kahit ikutin mo ang mundo, hindi yan mag tutugma!

Peste kayo. Sana gamitan nyo ng COMMON SENSE ang mga Metrics nyong bulok tulad ng utak nyo! Ano matatanggal kami ng ganun ganun nalang?! .I. Kadalasan bobo talaga kayo para lang kumita ng pera pero kami nag tra-trabaho ng maayos! Ma-ulul sana kayo!

Pag ako nawalan ng trabaho isusumpa ko kayo!
Hindi ko alam kung saan ako pupulutin pag nawalan ako ng trabaho..
Hindi nyo naiisip ang mga pamilya na binubuhay namin mga pakyu kayo! :'(

Monday, August 20, 2012

Enjoying.. :)

Nasa office ako ngayon.. Morning shift para sa isang call center agent..
Syempre puro drop call, ghost call at kabaliwan calls lang ang matatanggap ko..
Minsan lasing at prank callers pa.. :))

Ang sarap. Inggit ka? hehe.

12NN-9PM Manila time ang pasok ko, natural wala masyadong tawag or
wala na talagang tawag. :D

And yet im still paid.sarap diba? Ipag papalit ko pa ba ang trabaho na to ngayon kung ganito naman
kasarap at kaluwag?!

Wag na uy! Basta ngayon..masaya pa ulit ako dito..di na muna ako mag re-resign
lalo na at malapit na ang pasko..may naipon na din ako..at kating kati ako bumili ng
gamit sa bahay para makita ko naman na may naipundar ako..Hindi tulad ng kapatid ko
na walang ginawa kundi ang gumi-mick at mag waldas ng pera..pero mabait
naman sya kahit papano..

Hindi na rin ako masyado nag ee-mote. Swerte na din at napunta ako
sa company na to kahit hindi ito ang pinangarap ko na trabaho...

Pero alam ko..someday..

Makakakuha din ako ng trabaho na magugustuhan ko..yung pwede
na pang matagalan..

Oo, masarap ang buhay call center agent..malaki ang sahod kesa sa nurse ng Pilipinas..
pero hindi ito yung tipo ng trabaho na pang matagalan..

Makaka-ipon ka lang talaga dito..pero hindi ka yayaman...

Thursday, August 9, 2012

Regular Employee :)

  Sa dinami-dami kong inarte sa buhay ko at sa trabaho na hindi ko naman pinangarap, heto ako at regular na! :) Halos tumumbling na ako sa hirap ng pinasok kong trabaho..s*** lang talaga.. ang hirap maging tech support ng BPO company...umulan bumagyo mas masahol pa sa pagiging nurse.. Hindi na ako nakauwi kagabi sa lakas ng ulan, buti nalang may quarters kami at libre humilata dito. :) Ayun sleeping beauty ang drama ko sa office habang sila ay nagkakagulo sa production dahil kulang sa tao. Asa, hindi na ako nag OT, aanhin ko ang baryang idadagdag nila sa sahod ko kung ikasasarap naman ng tulog ko ang kapalit.. Yeah! yeah!!! :)

  Kakagaling ko lang din ulit kanina sa mall at naka bili na ako ng book ni Ellen DeGeneres..yey! sawakas may nakita na din ako para may mabasa naman ako at gumana ang utak ko na tigang na sa libro.. ^_^

  Sana..tumagal pa ako sa trabaho ko..promise..i'll do my best.. Ang goal ko naman ngayon ay makaranas ng 13th month pay. ^_^

Wednesday, August 1, 2012

Hear me God..

Dear God,

You know exactly what i need..please my one and only prayer.. Please don't take them away from me..'coz i could feel it right now.. I don't know where to go if that will happen..please..im not ready yet. Yung promise ko hindi ko pa natutupad. Yung isang bagay na gusto ko para sakanila..hindi pa nangyayari..i'm still waiting for it to happen.. :'(

Published with Blogger-droid v2.0.6

Sunday, July 1, 2012

Walang Alam.

Anung gagawin mo kung mas magaling kapa sa Boss mo?

Nag iisip na ako mag resign dahil sa tanga kong boss.

Mas marunong pa ako sayo. Malamang, aalis ako sa
trabaho ko ng dahil sayo at hindi dahil sa trabaho ko.

Pinagmamalaki mo pa na madami kang anak! ew.

Kadiri ka. Hindi kana naawa sa mga babae na sinira mo ang buhay!

Malapit na ako talaga mag resign ng dahil sayo.

Sunday, June 24, 2012

Pagninilay-nilay..

  Halos isang buwan nalang, kalahating taon na ako sa Call center world. Masasabi ko na naging masaya ako at natuto ako sa buhay ng dahil sa trabaho na pinasok ko. Isa akong Technical Support Representative, malayo sa propesyon ko na Nurse.

  Hindi ako nag iisa sa mundo ng CC na nurse. Madami kami sa loob ng opisina. Oo, malaki ang sahod ko kung ikukumpara sa pagiging nurse sa bansa natin. Pero hindi ako lubusang naging masaya sa mundong ito.Masarap na malaki ang kinikita ko, pero habang tumatagal, nawawalan ako ng gana..marahil alam ko sa sarili ko, HINDI ito ang trabahong pinangarap ko. Nakakalungkot isipin na dito ako bumagsak..sa isang bagay na hindi ko gusto..

  Isang buwan nalang, kung hindi ako mate-terminate, ako ang kusang aalis at hahanapin ko ang pangarap na hindi ko pa nararanasan na gusto ko makuha. Marahil dahil narin sa pag mamadali ko sa buhay ko na makapag hanap ng trabaho at kumita, hindi ako naging masaya. Pero hindi ako nag-sisisi dahil pumayag ako na magtrabaho dito.

  Ngayon, na-realize ko, Hindi kailangan mag madali at mag padalos-dalos sa lahat dahil the more na nagmadali ka sa pag de-decide, lalo ka nag kakamali. Lalo ka hindi nagiging masaya. Sa pag plano ko na mag pass ng IMMEDIATE RESIGNATION, alam ko na ngayon ang gagawin ko. Nakapag isip na ako. Alam ko na ang gagawin ko. May mga plano na ako.. Tutuparin ko na ang mga bagay na gusto ko talaga sa buhay. Kung mawalan man ako ng trabaho pansamantala, okay lang. Hindi lang Call Center ang trabaho sa buong mundo, hindi naman din ako isang kayod isang tuka at hindi naman ako ganun ka-gahol sa pera.

  Ang pera napapalitan yan, pero ang oras na tumatakbo, hindi na maibabalik. Promise, hindi na ako mag mamadali ulit. =')

Support nalang ang kailangan ko mga tsong! :)

Monday, June 18, 2012

Dear Blog..

Dear Blog,

   Pasensya kana kung hindi na kita madalas na ku-kwentuhan..Busy kasi ako sa
kaka trabaho..wag ka mag alala..

Malapit na kita kwentuhan ng walang humpay ulit.. :)

Miss na miss na kita..sorry kung napabayaan na kita ha..


Sunday, March 11, 2012

It's NOT that EASY...

Grabe..
Wala akong masabi..
mejo nagpaka hibernate ako ng 1 month sa pag blog dahil sa pagod at kulang sa
oras..

Ngayon ko lang na realize na ang hirap maging isang call center agent, malaki nga ang kinikita ko
pero kapalit naman ay grabeng pagod at nakaka-stress sya..

Masaya na ako na umabot ako sa floor at isang linggo na din akong nag te-take ng calls..

Canadian ang account ko kaya sa gabi ako buhay at patay ako sa umaga..
Madali lang kung tutuosin yung ginagawa namin dahil isa lang ang tool ko at ticketing lang
ang ginagawa ko. Pero yung stress sa pag ha-handle ng customer ang problema ko. Pati ang
AHT ko pero muka namang pasok sa banga yung aht ko..sana lang ay hindi ako ma-extend sa
OJT, ayoko talaga..

Naaawa ako tuloy sa mga call center agent dahil lagi kami pinuputakan ng mga walang pusong
canadian pag hindi nila nakukuha yung serbisyo na gusto nila. Pero sana naman putangina! Maisip
nila na yung sinisigawan nila ay mga walang malay at nag tratrabaho lang para sa kanya-kanyang
kinabukasan nila.

Nakakairita ang mga irate callers, gusto ko sila pasabugin para ma-realize nila na pwedeng
mawalan ng trabaho ang mga nakakasagot sakanila.. Lalo na sa mga first time mag call center,
sila ang kawawa dahil wala pa silang idea sa ganun.

Kahit ako, halos maiyak-iyak ako sa mga pesteng canadian na yan. Kala mo kung sino..

Ang hirap..pero kinakaya ko pa. Ayoko dumating nanaman yung time na a-ayaw nanaman ako
at mag reresign..sana umabot naman ako sa trabaho kahit 6mo. Masaya na ako dun..

Pero nararamdaman ko, hindi ako tatagal ng 3 taon sa pagiging call center agent.. :'(

Saturday, February 18, 2012

One week of Enjoyment.

It's been a week since I started working again.
It was nice. It was fun. I drowned.

Not because of my environment, but because of my co-workers who are so much better than me. Most of them came from big companies and some of them are veterans. I got deflowered in this industry for the first time. Actually, I am not alone. We are 4 in this industry. Base on what I have observed, they're all great. Again, much better than me..

I got insecure but I know I can pass this obstacle of my life. :)

Tuesday, February 7, 2012

Isang Araw ng Lagalag.

Isang araw nalang.

Isang araw nalang ako bummer!

Kahapon sa hindi inaasahang panahon, tumawag na ang company sakin para sa schedule ko.
12-9pm daw ako bukas, Feb. 9, 2012 ang simula ko.

Nung biglang tumawag si ate, biglang nanlamig ang katawan ko at parang umurong ang esophagus ko. Hindi ko alam..

Hindi naman na ako kinakabahan sa mga gagawin, pero kinakabahan ako sa mga kasama ko..

Half breed man ako, pero takot ako sa butch. May nakita akong isa nung pumipirma ako ng contact at nararamdaman ko na kasama ko sya at wala akong choice dun.

Hindi dahil sa nanghuhusga ako, dahil pakiramdam ko ay lalake sila. Takot ako sa lalake. Hahaha. Not unless para kang baklain na lalake, sureball ako friends tayo agad. :D

Bukas na, bukas na magsisimula ang kalbaryo ko. Sana kayanin ko.

Wala man akong alam sa mundong pinasok ko, pero ang galing nakuha ako! :D

Ngayon ay huling araw ko na sa pag lalagalag, aalis ako. Huling lakad na ito dahil wala narin akong budget. :D

Naubos na sa kaka-alis at kaka-tambay! >.<

Ganun pa man, sana makaipon ulit ako. :)

Friday, January 27, 2012

I returned and succeed. :)

  Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam dahil hindi ko pa na-aabsorb. :))

6 Months ago, nag apply ako sa mga call center, akala ko ganun kadali makapasok pero alam mo yung talo pa ako sa heartbroken. Hindi nila ako kinukuha lalo na yung mga pesteng HR na pag nalalaman nila na Nurse ka, wapak! chugi kana at dahil sila ang HR, feeling nila sila na ang pinakamagaling. Halos lahat ng HR walang puso lalo na yung mga nasa Call Center Industry.

Hindi nila alam kung gaano nila pinahihirapan ang mga applicant. Ilang pamilya ang nagugutom dahil sakanila. Sila ang Dyos sa paghahanap mo ng trabaho and as much as possible, gusto nila sambahin mo sila.

Nabadtrip ako noon at minsan pinapamuka ko talaga sakanila na "Hindi lang kayo ang nag o-offer ng trabaho sa mundo! Hindi ako magugutom ng dahil sainyo!"

Nawalan ako ng gana noon, dahil sakanila naramdaman ko ang pagiging 'rejected'. Pakiramdam ko hindi na ako makakahanap ng trabaho dahil hindi ako magaling sa pag-hahanap ng trabaho. Nainggit ako noon sa mga kaibigan ko. Lahat sila may trabaho na, napag-iwanan na ako. Kaya humingi na ako ng tulong sa kuya ko. At kahit nagka-trabaho ako noon, hindi parin ako lubusang masaya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko yun pinaghirapan. Hindi ako dumaan sa tamang proseso. Direkta ako dahil nga may kapit. Pero hindi ako masayang masaya. Hindi rin ako nag tagal sa trabaho na iyon dahil lalo akong hindi naging masaya. Sa makatuwid, nag resign ako. Ayaw nila ako paalisin dahil magaling daw ako. Ewan ko kung puro pambobola lang ang ginagawa nila para wag lang ako umalis.

Kahapon naman ay sinamahan ko ang kaibigan ko na mag hanap ng trabaho. Nag apply ako ulit sa isang call center sa Centris, Edsa. Hindi na ako nag handa tulad ng dati, hindi ako nag bihis ng maayos na parang reyna sa pag hahanap ng trabaho. Naka converse, jeans at simpleng polo lang ang sinuot ko.

Wala talaga sa plano ko ang mag hanap ng trabaho kahapon. Gusto ko lang samahan kaibigan ko para di naman nya ma feel na lonely sya. Gumawa ako ng resume ko, yung 'updated'. Pero sa kasamaang palad, hindi ako naka print. Shet lang. Dahil nga tamad din ako, hindi na ako nag aksaya ng panahon sa pag print. May nakita pa akong natitirang resume ko noon. Luma na, 6 months ago pa yun. Hindi na updated at mejo manilaw-nilaw na ata. hahaha.

Nagkita na kami sa centris, pero halos tanghali na ako dumating kaya ayaw ko pa sana. Sabi ko sakanila after lunch nalang kasi nga tinatamad ako. Pero sabi nila, 'go' na daw para tapus na agad. Shet. Gutom na din ako dahil hindi pa ako nag breakfast.

Pagdating sa loob, parang wala lang. Nothing special. Ganun parin. May sinagutan ako na application form. Pag tapos noon, interview na. Hindi na ako nag practice. Ayoko na, nakakatamad. Sa isip-isip ko kasi, baka hindi naman ako matanggap ulit. Ayoko na umasa.

Habang ini-interview ako, napansin ata ng HR na hindi updated ang resume ko, sabay sabi..

HR:"Is this updated?!"

Nia L.:"No, it's not."

Honest naman ako diba. Hahaha. pero tangena lang akala ko sasablay ako ng dahil lang sa resume. :))
Maya-maya, binigay na nya sakin ang VERSANT paper! SHEEEEETTTT!!!!! hindi na matago sa muka ko ang saya nung ini-interview nya ako. At dahil nasa kamay ko na ang golden ticket to success, TINODO ko na ang versant ko!!! NO DEAD AIR ang nasautak ko habang ginagawa ko sya. SHIIIITTTTTT I MUST NAIL THIS!!! Sobrang dasal ko bago gawin ang versant. I swear, for the very first time, i did the sign of the cross, and ask God to help me while doing it. Yung anxiety ko umabot ng outerspace, but i have to stay calm ang drama ko sa loob baka sabihin naman first timer ako masyado hahahaha. :D

Tangina habang nag hihintay ako ng result, tinawag ang kaibigan ko, SHET HINDI SYA PUMASA tangina andun na eh. Versant nalang oh. Tapus maya-maya, tinawag na ako, SHEEEETTTT!!! Kinikilig na clitoris ko dahil nakita ko yung "Joining Application" na hawak nya TANGINAAAA this is it pansit!!! :D Actually, hindi ko na naintindihan masyado sinasabi nya dahil feeling ko nasa cloud 9 na ako. Sobrang hingh pare! :D

Pero syempre nalungkot din ako sa kaibigan ko at kinabahan ako, dahil WALA akong kasama putakels. Pano ako sa training!? SHIIITTTTT!!!!!! Kaya hinintay ko din yung isa pa naming nakilala kung pasado sya or hindi. E tangeenaaaa. AKO LANG ANG PUMASA! Ang swerte lang pero feeling ko kailangan din nila yun kasi may anak sila pero sobrang palad ko naman na ako lang ang nakuha.

Ngayon nag-iisip ako ng gagawin ko sa mga nalalabi kong araw as a bummer. :)

At ang promise ko na may blogger na makaka-tikim ng sweldo ko ay tutuparin ko! :)

So long sago! :)

Monday, January 23, 2012

Thank you, for not giving up on me. :')

Lord,

      I may be your worst child on earth but i'm definitely one of the sweetest. *chos!* :D

  Lord, kahit wala akong trabaho for almost 1 & 1/2 months na, hindi mo parin ako pinapa-payat sa gutom. Alam ko may kaya kami pero sana, dumating yung panahon ko, yung trabaho na para saakin. Sana, hindi dumating yung araw na isang kahid isang tuka na kami. :'( Ayoko nun. Hindi yun ang pangarap ko.

  Lord, thanks nga pala ulit, dahil nakabili nanaman ako ng bagong cellphone at salamat kahit mga 3-4x a year ako mag palit ng cellphone, I still find so many ways to buy another one. Alam mo naman na yun ang pinaka luho ko na pinatikim mo sakin.

  Lord, alam mo ba, kahit hindi kami gipit sa buhay, kahit walang mag trabaho samin alam ko hindi parin kami magugutom. But I'm still wishing, SANA..maabutan pa ng nanay ko ang mga pangarap ko. Yun lang naman ang lagi ko ini-isip. Gabi-gabi kinakabahan ako sa pag tulog ko, dahil pano kung pag gising ko, hindi na humihinga nanay ko? Pano kung pag gising ko, wala na akong kasama sa kwarto ko? Pano?! PANO!?

  Kinakabahan talaga ako, lalo na ng ma-avail na ng nanay ko ang 20% discount sa lahat ng binibili nya.. Dahil alam ko yun na ang simula ng BONUS LIFE ni Mother Bear. :'( Sana wag pa..wag muna.. Bukod sa gusto ko na ma-ihimlay sya sa magarbong himlayan, gusto ko matikman nya yung mga bagay na makukuha ko. Utang na loob..pagbigyan mo na ako!

   Simple lang naman ang mga hiling ko, sana pagbigyan mo na ako ng bonggang bongga.. :') Thank you.

Wednesday, January 4, 2012

Putukan' 2012

2012 na.

At nakatulog ako. Pag gising ko 12:30am na. Shit diba? Haha. At ang usok di ako makahinga. Ang baho ng pulbora ng paputok pero mas mabaho ang putok ni kuya jeepney driver na nasakyan ko. :))

Wala naman ako masyadong wish ang gusto ko lang ngayon ay maghanap ng trabaho ulit.

dahil naa-addict ako sa pag lalaro sa timezone. Seryoso! :D

Shit. wala na ako pang laro. 1 month na ako naka-tenga. Dahil masunuring bata ako sa nanay ko, nag resign ako. Tulad ng gusto nya. Pero hindi ako naging masaya dahil nawala ang trabaho ko. Ang source of income ko. Wish me luck dahil pag nagkatrabaho ako, may ma-swerteng blogger na makakatikim ng sahod ko! Lalo na at mag be-birthday na ako. I'm gonna be legal all around the world. 4 months nalang, 21 na ako. :)


Ang huling wish ko para sa taon na ito,
"Sana buhay parin si Mother Bear ko hanggang matapus ulit ang taon na ito."

Yun lang naman ang hiling ko..mahirap ba makuha yun?

Sa lunes, mag hahanap ulit ako ng trabaho, pero hindi ko sasabihin sa nanay ko. Isi-secreto ko. Dahil sigurado pag nalaman nya, hahadlang nanaman sya at yari ako dahil nag downpayment na ako para sa IVT ko sa Lung Center of the Philippines for Jan. 31 - Feb. 2, 2012. Hahahaha. Pag nagatrabaho ulit ako, iiwan ko na yun. Haha.

Sorry Mother Bear, I love you, for almost 20 years pangarap mo ang tinupad ko. Ang maging nars. Ngayon oras na para pangarap ko naman ang tuparin ko. I hope you understand... :)

Don't  worry, I'll always be your baby. ;)