Total Pageviews

Ninja Followers :)

Wednesday, October 12, 2011

Lord, help me decide...

Alam nyo naman na may trabaho ako ngayon, hindi pang nurse kahit rehistradong nurse na ako. Noon pa man pangarap ko na ang mapunta sa field ng 'Geriatric Nursing'.

Natuwa ako ng malaman ko na kinukuha akong private nurse. Isa pa sa mga gusto kong field. Ayoko talaga sa hospital. Pero ang kumukuha saakin ay ang tita ko para sa tito ko na inatake nanaman ng stroke at ngayon may tracheostomy na. Ok lang naman sakin ang mag suction, pati sa tracheostomy site pa. Walang problema sakin. Kahit mag hugas ng pwet nya. Mahal kasi ang singil sa ospital ng private nurse na kinuha namin para sakanya. Lalo na hindi pi-pichugin ang ospital nya. 1,600php per day ang presyo sa ospital na yun kaya nag offer ako ng price ko, tutal tito ko naman sya, kaya ok lang sakin kahit hindi ganun kataas ang sahod.

Kahapon pinuntahan ko sya. Nag absent ako sa trabaho ko, para makita kung kaya ko at kung ok ang condition nya. Hindi ko inasahan ang mararamdaman ko, ang magiging reaction nya. I've never seen him this emotional. Ako na din ang nag suction sakanya kahapon at nagmasahe ng kamay  at braso nya dahil hindi narin naigagalaw. Pero shit. Naiiyak ako habang ginagawa ko sakanya. Naaawa ako sa kalagayan nya. Lalo na ng makita ko na hinawakan nya ang kamay ng tita ko. Ang asawa nya.

Sa tuwing naiiyak ako sa tabi nya, dumidistansya ako. Kunwari nag c-cr makatakas lang sa emotion na nararamdaman ko. Kaya ko. Kaya ko alagaan sya...Pero ang kalaban ko ay ang napaka-babaw kong emotion...

Sa pag dating ko palang kahapon doon, sabi ng tita ko.."Kilala mo ba yan!? Si A**!?"

Alam nyo ba kung anong respond nya?

Tinuro nya ang sarili nya sa bandang dibdib..

Ibigsabihin, AKO ang gusto nya mag alaga sakanya. AKO at wala ng iba dahil ilang nurse na nya ang sinesante nya. Sabi pa ng tita ko...

"Noon, yan ang inaapi mo! Lagi mo inaasar at pinapaiyak, ngayon sya na mag aalaga sayo."

Ewan hindi ko talaga mapigil. Naiiyak ako. Dahil nakikita ko parin sakanya ang tita ko na mahal na mahal ko na higit pa sa buhay ko na tinakasan ako..namatay sya nung wala ako. :'( Sana tumagal pa ang buhay ng tito ko. Wag muna Lord. Wag muna, everyone's not ready for whatever will happen to him.

LORD, Help me decide.
Kaya ko iwan ang trabaho ko para sakanya.
Kaya ko.
Pero sana gawin mong bato ang pakiramdam ko.



1 comment:

  1. isa lang ang desisyon jan. take it na..

    ikaw din ang pipigil ng emosyon mo, sana lang sa tuwing hindi mo mapigilan eh iwasan mo na lang na makita nya ang nararamdaman mo. :)

    kaya mo yan ma,am. :)

    ReplyDelete

Just say anything you want. :)