Total Pageviews

Ninja Followers :)

Wednesday, September 7, 2011

Wag mo ako itulak palayo.

Daddy,

Bakit hindi ka nakukuntento?
Nag aral naman ako.
Nag Board Exam.
Nurse na.
Pinilit ko.

Kasi yun ang gusto mo.

Ilang buwan na tayong hindi nag papansinan.

Dahil may biyaya na dumating saakin kanina, binigyan ko ang mommy at natuwa ako dahil tuwang tuwa sya.

Sabi nya saakin bigyan din kita. Yung totoo? Wala ka sa plano ko na bigyan dahil si Tito ang gusto kong bigyan at nagawa ko. Nag deposit ako sa bank account nya ng hindi nya alam. Ang sweet no?! Sana sayo ko yan ginawa. Dahil sabi ng mommy na bigyan din kita, sige tutal ilang buwan na tayo parang hanggin sa isa't isa. Hindi tayo nag uusap kahit "Hi" o "Hello".

Binigyan kita, nag baka sakali ako. Sabi ko sayo...

"Daddy, pang shopping mo oh!"

Ano isinagot mo saakin?!

"Hindi ko kailangan nyan! Kunin mo na! Sayo na! Ok na ako sa konting pera ko!"

Iniwan ko sa lamesa at hindi ko kinuha, nag babakasakali na tanggapin mo ang
kaunting handog ko sa iyo. Pero pag pasok ko ng kwarto ko, nakita ko sila Ninoy aquino,
nakapatong sa kama ko. Iisa lang ang ibig sabihin noon, hindi mo talaga tinanggap.

Alam mo ba kung gaano ako nasaktan!?
Panandaliang gumuho ang mundo ko, pero pinilit ko umarte na
parang wala lang. Ang sakit. Yung bagay na pinag hirapan ko, hindi mo
nanaman na-appreciate. Kelan ba?! Ano pa ba ang gusto mong gawin ko!?

I JUST WANT TO BE YOUR LITTLE DAUGHTER, AGAIN. :'(

Mabuti pa sila nanay na kahit salat sa buhay, kahit hindi kasing ayos ng buhay namin ang meron sila, kahit kanal na ang harap ng bahay nila, matatawag mo parin silang Pamilya.

Ngayon pinag iisipan ko, kung kay nanay ko nalang ibibigay ang dapat ay sayo ko ibinibigay
tutal hindi ka naman nakakakita ng paghihirap ko.



Ayoko humiling, pero alam mo kung gaano ako nasaktan?!
Nasabi ko nalang na,
Bakit hindi ka nalang mamatay!? :'(


6 comments:

  1. hi po, magandang umaga..

    hmmm, matindi ang tampo ni tatay sayo.. yaan mo, walang magulang na nakatitiis ng anak. lilipas din yan.. :)

    smile na :)

    ReplyDelete
  2. Nakaka sad naman. I know the feeling Nia. Dont worry everything would be alright

    ReplyDelete
  3. Di ko alam kung anong gagawin ko kung magkakaroon ng tampo at tensyon sa pagitan namin ng tatay ko...

    Ang sad naman nito.. you really wish him to be dead? Sana hindi ka seryoso.. :(

    ReplyDelete
  4. nakarelate po ako kasi minsan din kaming nagkaroon ng tampuhan ng dad ko

    ReplyDelete
  5. haitz!.... nakakalungkot... daddy's girl ako.. kaya mabigat sa akin ang mga ganitong issue... :( pray lang ng pray para maging maayos ang lahat.. :D

    ReplyDelete
  6. @ISTAMBAY, how i wish ganyan lahat ng magulang. Dad is way too different. Nakaya nga nya sabihin sakin na 'wala syang pakialam kahit makulong sya sa pambubugbog'. :'(

    ReplyDelete

Just say anything you want. :)