Total Pageviews

Ninja Followers :)

Tuesday, September 27, 2011

I'm home, safe & alive.

Sept 27, 2011.
Dalawang taon makalipas ang Bagyong Ondoy.

Typhoon Pedring, ang inakala ng madami na magiging Ondoy nanaman. At dahil 12PM pa ang pasok ko at sa mall ang pinag tra-trabahuan ko. As expected, umulan bumagyo, may pasok ako! Ang aga ko dumating dahil hinatid ako nila mama, 11am pa lang andun na ako. Nag liwaliw na muna ako at nag ikot - ikot. Hindi na ako nagulat dahil madaming store ang sarado sa ganung oras. Marahil dahil narin sa bagyo. Malakas ang kumpas ng hangin at ang ulan hindi tumitila.

Pag dating ko sa store namin, sabi ng kasama ko ay ayos lang daw malate ngayon dahil sa bagyo sabi ni bossing namin. Sayang! kung alam ko lang sana nagpalate na ako.

Pumunta ang bb ko sa trinoma dahil hindi sya makauwi. Sabi ko sa terminal na sya sumakay kaso wala daw fx. Kaya kumain nalang sya. At natuwa naman ako at binilhan pa nya ako ng peborit kong pridechicken! at may cheese burjer pa! Ang matindi dun, pati yung kasama ko sa tindahan ay binilhan din nya. Bigtime lang. hahaha. :D Sana lagi nalang sya dumaan ng trinoma. :D

Makalipas ang ilang oras, nabu-bwisit na kami ng kasama ko dahil lahat ng branch namin ay nag sarado na except, Trinoma. >.<

At mabuti nalang 4pm, tumawag at nag txt si bossing. VERY GOOD! pede na umuwi! half day kami. Yehey!!! Ang saya lang kaya umakyat na ako agad sa admin ng trinoma, at nag tanong kung pwede na mag sara ng maaga ang store na walang papers. At go go na kami! tadah! ang bilis namin nag sara! yeahhh!!!

Sa kasamaang palad, walang pa monumento na jeep sa terminal. Pakshet. Nilakad ko ang sakayan ng bus. Nag isip isip na dun nalang sumakay papuntang munoz at dun ako bababa.

Pagkadating ko sa sakayan ng bus may katabi ako lalaki mga isang hakbang lang ang pagitan namin. Bigla syang nag sabi dun sa lalaki sa harap ko na "Kunin  mo na!" sabay kamot sa ulo yung nasakabila dahil hindi nya ata makuha yung tinutukoy nung katabi ko.

At dahil wala akong pakialam sakanila, hala sige! ayos parin ako ng ayos ng naghihingalo kong payong. Naka japorms pa ako dahil dapat maganda parin ako baka may mga chicks akong makasalubong dapat maganda parin ang get up ko. hahaha. Bigla nalang ako nagulat dahil yung lalake sa harap ko ay binaltak ang kwintas nung babae na kakababa lang ng bus. Shit! Pinalo nung babae ng payong at sinubukang bawiin, ngunit biglang nag labas ang kasabwat ng ice pick! shit ulit! At mabuti nalang ay hindi sya natuluyan. Hindi narin nya nabawi ang kwintas nya.

Mabuti nalang ang backpack ko ay nasa harapan ko kaya siguro naisip nung lalaki ay walang makukuha or mahahablot sakin. Mabuti nalang hindi rin ako nag txt or naglabas ng cellphone sa daan kung hindi ang bago kong pinag hirapan ay mawawala ng ganun ganun nalang!

Sabi ko sa babae, hayaan na nya. At least buhay pa sya. Etong mokong nyang kasama na lalake, nag iinarte at gusto pa habulin! Ay gago lang. Gusto ata mawala sa mundo ng maaga. Hahahaha.

Ayun. Na-trauma ako sa bilis ng pangyayari. Shit. Napa-isip nanaman ako. Sasakay ba ako ng bus o hindi?!

Nakita ko ang overpass to SM north edsa. At bigla ko nalang naisip na maglakad ng mahaba kesa ako naman ang matyempuhan ng dalawang ugok na walang hanap buhay kaya nag nanakaw. Takte. Nilakad ko hanggang terminal at humihiling na sana may papuntang munoz. At wapak! Yeah! May jeep akong nakita! At least sa mga terminal ng mall, safe.

Thank God, I'm home, safe & alive. :)

1 comment:

  1. thank god safe ka nakauwi ng bahay nyo...

    isang magandang araw sayo iyo ngayon :)

    ReplyDelete

Just say anything you want. :)