Total Pageviews

Ninja Followers :)

Wednesday, August 17, 2011

Pangungulila.


Marahil nung nakaraang mga linggo, ang problema ko lamang ay kung pano makakahanap ng trabaho, halos isumpa ko na lahat ng HR dahil pakiramdam ko, akala nila sa sarili nila ay Dyos sila na dapat sambahin ng bawat applicant.
Naisip ko noon, kung magkaka-trabaho ako, gusto ko pag uwi ko isisigaw ko sa buong bahay naming na may trabaho na ako. Gusto ko patunayan na kahit Nursing ako, kayak o makahanap ng ibang trabaho na hindi related sa kurso ko. Gusto ko maipagmalaki ako ng mga magulang ko. Gusto ko umangat naman ako kahit minsan. Gusto hindi na ako minamaliit. Gusto ko sila naman ang pagsisilbihan ko. Gusto ko ng maayos na kinabukasan para saaming lahat.

Ganyan.
Ganyan ka-planado ang lahat. Gusto ko planado. Gusto ko plantsado. Gusto ko walang mali.

Pero sa di inaasahan na pangyayari. Dahil ilang linggo na ako nahihirapan sa pag hahanap, hinahabol ko ang paglabas ng board exam result, para kahit bumagsak ako, alam kong may patutunguhan ang buhay ko. Dahil dito, naisip ko na i-kwento na sa mga magulang ko…

Nanghihina na ang loob ko dahil pakiramdam  ko wala na akong pag-asa. Lahat ng barkada ko, halos lahat ng kakilala ko, may trabaho na, pero bakit ako wala parin?

Bakit nangyayari sakin ito? Halos hindi ko matanggap ang lahat. Pinilit ko kumuha ng lakas ng loob sa pamilya ko, sa nanay at tatay ko. Pero hindi ko inaasahan, bakit pinipilit ng tatay ko na mag manager daw ako sa fast food naman? Pero nursing ang kinuha ko. Bakit ganyan ka? Nagiisip kaba? Na kwento ko din na kaya hindi ako natatanggap dahil nasasabi ko na balak ko paring ituloy ang pag na-nurse pag pumasa ako ng board exam,  dahil sa panahon ngayon ‘loyalty’ ang hanap ng mga kumpanya.

Hindi ko first time mainis ng sobra sa tatay ko, dahil pinipilit nya parin ang gusto nya. Eh pano naman ako? Pano naman ang gusto ko? Kesyo mag ganito at ganyan daw ako. Pinipilit nya ako mag flight stewardess pero tangina naman, hindi pa nga pwede ngayon hindi pa ako handa dahil tumaba ako nung nag rereview. Hindi porket andun mga pinsan ko, mag gaganun narin ako. Bumababa na nga self-esteem ko sa bawat pag a-apply ko na nare-reject ako.

FIRST TIME KO MAG WALK OUT. Bastos na kung bastos. Pero nasaktan ako.
Parang hindi nya pinahahalagahan yung sinasabi ko at nararamdaman ko.

Ngayon may trabaho na ako, pero hindi ko magawang sabihin sakanila na 2 linggo na ang nakakalipas ng pumirma ako ng contract. Hindi ko magawang i-share sakanila yung saya na naramdaman ko dahil sawakas, may trabaho na ako.

Ang unang tanging naka alam ay ang nanay ng bestfriend ko na mabilis ko na-txt na may trabaho na ako. Sumunod ay ang tita ko na kasundo ko. Pero sila, wala silang alam. Tangging sa facebook ko lang sinigaw sa status ko na sawakas may trabaho na ako! Na sana, sa loob ng bahay naming ko naisigaw…

Halos apat na linggo na o isang buwan akong nag titiis dito sa bahay, hindi parin kami nag uusap ng tatay ko. At kahit ang nanay ko, damay na. Gusto ko sila ayain katulad ng dati..pero hindi na siguro maibabalik.

Bakit ang lakas ng loob ng daddy ko na sabihan ako na ‘HINDI AKO MAGKAKATRABAHO DAHIL SA UGALI KO?’ Eh ang tanong, kilala ba nya ako para sabihan nya ako ng ganun? Hindi pa ba sapat yung pag alis ko halos araw-araw at pumunta kung saan saan? Para lang makakita ng maayos na trabaho? At kahit alam ko na pyramid scam ang inaalok sakin, pinuntahan ko parin at umaasa nab aka sakali na hindi yun scam. Ang sakit. Humagulgol ako ng sobra dahil sayo. Yung totoo? Gusto nalang kita mawala, anyway wala ka din naman nung pinanganak ako. Wala akong kwenta sa paningin mo. Hindi mo nakikita lahat ng paghihirap ko, ay sorry nakalimutan ko hindi mo pala naranasan to. Ang mag aral at maka-tapos sa kursong hindi ko naman gusto. Ikaw kasi lumaki ng walang ina at ama, kaya siguro hindi mo alam kung pano maging isang tunay na magulang. Sa dinami-dami ng tatay, bakit ikaw pa naging ama ko?

Tsaka hindi mo naranasan makatapos ng pag-aaral dahil sa muka kang pera, inuna mo ang pagtra-trabaho, hindi mo man lang naisip na 2nd year college kana, 2 taon nalang mas magandang kinabukasan ang meron ka pag nakatapos. Hindi ka nga rin naging Chief ng barko dahil hindi ka nakatapos! Sorry sa pang iinsulto, pero ininsulto mo ang pagkatao ko.

Sana nabibili din ng pera ang magulang para makabili ako ng bago. Yung mabait, yung “FAMILY ORIENTED” at hindi “MONEY ORIENTED”. I hate you more than anything in this world. If given a chance, I really wish that you just go away. Umalis ka na sa buhay ko! Hindi ko kailangan ng isang ama na mukang pera.

Mabuti pa si nanay sa sto. Domingo, kahit  mahirap sila, Masaya sya para saaming mga ampon nya. Kahit sa squatter’s area sila naka-tira, mas gusto ko parin tumambay sa lugar nila. Kahit pinagsabihan ako na wag na masyado doon pumunta sabi ng mommy ko, wala parin akong pakialam. Kahit hindi kami tunay na anak, ramdam na ramdam ko ang totoong pagmamahal ng tunay na magulang.

Kahit doon lamang sila nakatira, napatunayan ko na ang mga tao sa ganung lugar ay mas totoo pa kesa sa may mga pera.

Kaya ang pangarap ko na sana ay para sa totoong pamilya ko,
Ay pangarap ko na para sakanila…

No comments:

Post a Comment

Just say anything you want. :)