Total Pageviews

Ninja Followers :)

Saturday, July 23, 2011

Sana, Eto na.


        Dahil isa akong desperada na magkatrabaho, naghanap ako ulit ng lakas ng loob para magka-trabaho. Click dito, click doon. Search dito, search doon. Hala! May nakita na ako, wish ko lang ay sana mabait ang mag iinterview sakin. ^_^

       Nakita ko ang isang ads ng isang call center. Haha. Shetlog! Eto rin ata ang kababaksakan ko.Ilang araw na din akong nag mumuni-muni sa munting silid ko.Dahil madalas wala ang magulang ko, tulad ngayon dahil nag tungo sila sa Resorts World para anu pa? Edi mag casinob beybeh!!! As always. Sanay na din ako. Inaya nila ako pero di na ako sumama. At dahil wala rin ako sa mood para mag casino.

      Nakahanap na ako ng pagkakataon ulit na mag hanap at bumuo ng isasagot ko sa lunes. Dahil nag text ako sa CC na nakita ko, sinubukan ko lang naman. Wala namang nawala sakin. At kinilig ang clitoris ko! haha. Dahil nag reply ang tao na inaasahan ko na magbibigay ng pot of golds sakin. :D Sana, eto na. Promise, pag nagkasweldo ako, PA-PARTY, CHILL or WHATEVER YOU LIKE TAYO! ^_^ Wag lang drugs.

     At dahil Birthday ni Mudra sa lunes, alam ko na wala sya at malamang mag ca-casino nanaman. Eto na ang araw na hinihintay ko, pupunta ako sa Centris at sa Libis, para makuha ko ang gusto kong regalo sakanya, ang magka-trabaho ang bunso nila. Syempre hindi nila alam ang mga plano ko. Gusto ko, samin nalang muna ng bb ko, at pag ok na ang lahat, tsaka ko aaminin na nagbebenta ako ng katawan may kumikitang kabuhayan na ako!



No comments:

Post a Comment

Just say anything you want. :)