Total Pageviews

Ninja Followers :)

Sunday, July 17, 2011

Naiingit ako. :'(

please? :'(
 

 Yung totoo, sa buong buhay ko ngayon lang ako nainggit. Yung sobra-SOBRA. Naiinggit ako kasi yung kapatid ko may trabaho, yun lang..hindi sya nag bibigay ng pera kela mama, pero bumibili naman sya paminsan minsan ng gamit para dito sa bahay..pero kahit na. Ikot-ikutin ko man ang mundo, may trabaho sya, ako WALA. :'( Alam mo yun? Sinunod ko naman ang mga magulang at kamag-anak ko na mag nursing, pero heto ako. Walang trabaho. Walang pang tustos sa luho. Walang pang gimmick. Leche.

    Kung alam mo lang yung nararamdaman ko, parang gusto ko nalang isuko ang buhay ko. :'( Naiiyak ako dahil sa dami ng pangarap ko, parang matumal matupad.

    Naisip ko lang, kung hindi ako naging nursing? Mas maganda kaya buhay ko? I mean, yung progressive. Kung hindi kaya ako nag nursing? SP-ED teacher na kaya ako? Pilot? Sabi ng nanay ko, akala daw nya nuong bata ako ay mag t-teacher daw ako. Natawa nalang ako. Kasi alam mo yun? It's too late. Hindi ko nakuha gusto ko. Ano ba ang masama sa pagiging teacher? Mag tuturo lang naman ako ng mga bata kasi alam ko hindi na ako mag kaka-anak. At hindi ko na pinapangarap. Lalo na ng makita ko live kung paano manganak, Dyos ko! Ang hirap. Ang sakit. Sa dami ng vagina na nakita ko, hindi ko talaga papangarapin!!!

  Good Lord, bigyan mo na ako ng trabaho, noon kung sino sino ang tumatawag sakin sa bahay para mag trabaho daw ako. E mga gagu ba sila? Nag aaral pa ako! Ngayon, NGAYON ko kailangan ng trabaho! kahit isa walang tumatawag sakin. :( Parang magugunaw na ang mundo ko.

     I'm running after my dad & mom's life. Pareho na silang senior citizen, ako 20 pa lang. Kaya pa ba nila mabuhay para sa mga pangarap ko sakanila? Kaya pa kaya nila mag hintay? Kaya pa ba nila mabuhay para sakin? Kahit 30 more years...Leche. Naiiyak nanaman ako. Sana, yung mga pangarap ko sakanila hindi ma-pako.

     Naiingit ako sa mga kapwa blogger ko, ang gaganda ng trabaho nila. :'( E ako? Nasa bahay lang. Wala ng ibang ginawa kung hindi mag computer, lumabas, mag casino kasama sila mami & dadi....hay. I hate bummering around.

     Ma & dadi, 
            Sana kaya nyo pa ako hintayin. Alam ko unti-unti na kayo kinakain ng humihina nyong katawan. Pero sana kahit konting panahon lang. Please. Wag muna kayo bibigay. Yung mga sinabi ko sainyo, totoo yun. Hanggang buhay kayo, kung anong kaya ko ibigay sainyo, ibibigay ko. Kasi pag namatay na kayo, sino pa ang magulang ko? Kahit ipa-ampon ko ang sarili ko, hindi naman sila kayo. Sana wag muna. Kahit na na-stroke si dadi, alam ko sa susunod mas matindi pa pag naulit ang stroke nya. Kahit na mabingi na tenga ko sa kaka-kuha ng Blood Pressure ninyo, lahat ng napag-aralan ko, sainyo ko ia-apply. Buong buhay ko, sainyo umiikot ngayon. Sabi ko pa sainyo nuong isang linggo, kapag ako nakapag tapos na ng Geriatrics, "Kayo ang perfect client ko!" Imagine? I love you this much?! Kahit na ayaw ko ng nursing simula pa lang, kayo parin ang iisipin ko, gagawa ako ng paraan para matupad ko to. Kaya wag nyo ko iiwan ng maaga. Kasi magugunaw ang mundo ko. I love you both. Always. :') Sana nababasa nyo to, pero kung mababasa nyo to, baka isipin nyo drama lang..Sorry..


                                                                                                  












PS: Sana may mag hire sakin. :')
I'm a BSN graduate. 

4 comments:

  1. Wag mawalan ng pag-asa, may bukas pa.. joke (kidding aside) Malay mo may plano si God para sa'yo, tinitingnan lang nya kung gaano kahaba ang patience mo... Keep praying... ^^, have a nice day!...

    ReplyDelete
  2. Yun pala ang istorya ng life mo.. wag ka na mainggit kase pagnakagraduate ka ikaw naman ang magtratrabaho :) cheer up po! God Bless You

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaaaaHh graduate ka na pala... na try mo ba apply sa call center? baka dun pwede!

    ReplyDelete
  4. It makes me feel sad..3 weeks na akong bum..
    But i'm still looking on the bright side.

    Ako, eto lang problema ko, trabaho.
    Pero yung ibang tao mas higit pa
    sa buhay nila ang problema..

    Sana lang..sana..pag bigyan na ako ni
    Lord. :')

    ReplyDelete

Just say anything you want. :)