Total Pageviews

Ninja Followers :)

Friday, June 10, 2011

Tulungan mo ako. :'(


     Nalulungkot ako ngayong araw na ito. Nalaman ko na din ang resulta ng Pre-boards namin. Pasado lahat ng NP ko, pero hindi parin umabot ang average. Ang sakit. Gusto ko umiyak. Parang 200% ng buhay ko ay bumibigay na. Naiiyak na ako kanina habang nagpapa-lakas ng loob ang lecturer namin. Na hindi pa huli ang lahat! Ilang araw nalang. Habang isinisigaw nya na "Can you do it? Can you make it? Can you top the board exam?!" Syempre sa bawat tanong, isang malakas na YESSSS!!! ang sagot ko. Pero yung nararamdaman ko, hindi ko ma-explain. Kasi pinanghihinaan ako ng loob. Kinakabahan ako. Natatakot ako..na maging 'failure' ulit. Ayoko na. Tama na. Napapagod din naman ako. Minsan napa-isip ako, at nangarap din na maging isa sa "Board of Nursing" o BON kung tawagin nila..naisip ko kung magiging ganun ako, ang exam hindi kasing hirap ng pag paparusa nila sa mga studyante. Padadaliin ko, kasi hindi naman nila alam ang dina-danas ng bawat nursing students. Yung hirap ng magulang naming lahat. Yun yun eh! Ayoko namang umiyak nalang kanina kasi parang ang labas eh, nagpatalo na ako sa laban kahit hindi pa sumusugod. Tsaka umiyak din yung kaibigan ko kanina..pag umiyak pa ako, baka lalo sya mawalan ng pag-asa na mag top..Matalino kasi talaga sya alam kong kaya nya at naniniwala ako sakanya. :)
     
       Grabe talaga..hindi ko alam kung anung kahihinatnan ng buhay ko pag tapos kumuha ng board exam. :'( Yung mga pangarap ko, ayoko mawala. Halos andun na ako. Malapit na konting tyaga nalang. Promise, kung ano man ang makukuha ko, ibabahagi ko ito sa bawat pilipino na kaya kong tulungan. :'( Ewan. Yun talaga pangarap ko. Kasi kung sila hindi fortunate na makapag aral, kung may pagkakataon ako na mapag-aral at mabigyan din sila ng magandang kinabukasan.SHET LORD! TULUNGAN MO AKO! TULUNGAN MO NA SANA MAKAYA KO TO! KELANGAN KO NG 10000000% NA LAKAS NG LOOB! ALAM KO KAYA KO TO!!!!! :'( ayokong panghinaan kasi wala akong  mabibigay sakanila. Kailangan makaya ko to!

      Tapus sasabayan kapa ng kaibigan mo na hindi naman marunong magpahalaga ng advice mo. Sana hindi nalang nya ako kinaibigan. Kasi wala yung masasakit ko na sinasabi sakanya, mas masakit yung hindi mo maramdaman yung halaga mo sa kaibigan. Kung ganun din lang ang tingin nya samin o saakin sana hindi ko nalang sya nakilala. :'( Sana hindi ko nalang sya pinrotektahan kung sya mismo ayaw ng proteksyon. :'( 

LORD KAILANGAN KITA BIG TIME! WAG MO AKO PABAYAAN. AALAGAAN KO ANG MGA KAPWA KO HIGIT PA SA PAG AALAGA NILA SAKIN. IN THAT WAY, SANA MAIBALIK MO SAKIN ANG TIWALA MO. SANA LORD WAG MO AKO SUKUAN, KASI HINDI KITA SUNUKUAN AT HINDING HINDI KITA SUSUKUAN KAHIT BUMIBIGAY NA AKO SA PANINIWALA KO SAYO. ALAM KO KAYA MO AKONG TULUNGAN. :') WAG NA WAG MO AKO PAPABAYAAN PATI NA ANG MGA TAO NA NAKAPALIGID SAKIN. SALAMAT PO.

7 comments:

  1. Hello.
    Kadrama ng post teh.
    Goodluck on your NLE!
    I can relate. December pa nga lang ako.
    Anyways, try mo naman ang kadramahan ng buhay ko.
    Visit my blog. :)

    ReplyDelete
  2. You're only 17? and your gonna take the NLE?
    Thanks for dropping by.. :)

    ReplyDelete
  3. nah, i'm 19.haha had to edit it..baka mabasa ng kapatid ko at least hindi nya maisip na ako un. :)

    ReplyDelete
  4. haha. :) Akala ko pwede na mag take ang mga under-age. :D

    ReplyDelete
  5. bata ka pa.. try next time.. you can do it ^^

    ReplyDelete
  6. Lhan, Di pa po ako nag te-take ng board exam..
    Pre-boards lang po yun. Hindi counted. Sa review center lang namin yun. First taker po ako for July 2 & 3, 2011. :)

    ReplyDelete

Just say anything you want. :)