Total Pageviews

Ninja Followers :)

Friday, June 24, 2011

Lord, we need to talk.

 Lord,
(Hindi pa ako nakakauwi, mag uumaga na!!!)
       
       Salamat kagabi, hindi mo kami pinabayaan. Na-stranded kami sa espana dahil sa malakas na ulan ni Falcon. Na-devirgenized ako! hahahaha. First time ko mag lakad sa baha na may kasamang ipis, daga, malakas na ulan at hangin. May libre na din Leptospirosis at E.Coli. :D 


        Sana, hindi na maulit. Sana after 1 week hindi ako magka lagnat dahil alam ko yun ang senyales ng leptospirosis. Hindi rin ako naka bili ng prophylaxis dahil pesteng hinanapan ako ng reseta!!! T_T 


      Pero, salamat nakauwi ako ng 2am. Anak ng teteng 6pm pa natapus review ko. Umaalingasaw na ang amoy ko sa baho ng baha. :( Pero salamat nakauwi ako ng buhay. :D


      Salamat din sa pag dagdag ng anxiety ko. Amf. Dahil habang nag hihintay ako humupa ang baha, nabalitaan ko na nilabas ng ng PRC ang listahan ng Manila para sa board exam. At dyos ko po, kahit nagugutom na ako at gusto ko ng lamunin ako ng kama sa pagod, may lakas parin ako para tignan kung saan ako nasa destino. At pag sinuswerte ka nga naman, hindi ko alam ang Arellano Highschool sa Sta. Cruz. Bahala kana Lord kung pano ako pupunta. :D


      Yung totoo, ina-anxiety na ako ng bonggang bongga.. akalain mo sa taas ng anxiety ko napakain ako ng dalawang pancit shangai, 7 na sausage at fried chicken with rice, samahan pa ng 4 na subo ng spaghetti na pasalubong nila daddy sakin dahil galing sila sa ospital para sa check-up.


     Salamat at maayos na ang daddy ko. :) Thank you for a wonderful life & experience. 



Kadiri abot singit na ang baha. hahahaha. Malas ng 3 ugok na  matatapang!
                                                                                                                 
                                                                                          -Ang laging bida,


4 comments:

  1. na alala ko tuloy buhay kolehiyo ko. Abot singit ang baha sa taft tapos stranded pa at ang malupit don yung mga takatak boys kumikitang kabuhayan zesto na halagang 6 magiging dose. Mga haup eh. Haha mabuti naman ng nakauwi ka ng maayos :) atsaka good news sa dad mo stay healthy :D

    ReplyDelete
  2. uu, nakakatuwa nga e. kahit parang feeling ko sa lapit ng bahay ko e di ako nakauwi agad!!! T_T at si daddy dear ay malaya ng kumakain ng kahit anung gusto nya. :D pero, nag te-therapy parin kasi ang mga daliri nya ay di parinmakagalaw ng maayos..

    ReplyDelete
  3. Buti nakauwi ka ng maayos at di ka na shoot sa mga butas ng siudad.hehehe..kadiri un feeling lalo na pag hanggang waist! im glad your dad is out of the woods now..god bless.

    ReplyDelete
  4. Yes po, lumusong kami ulit ng mga 12:30am. haha. dko talaga kaya na di umuwi! my gosh. kung katabi siguro namin ang mcdo, baka mabuhay ako. :D kaso umalis kami sa review center namin kaya malayo na kami dun.. :D

    ReplyDelete

Just say anything you want. :)