Total Pageviews

Ninja Followers :)

Tuesday, June 28, 2011

It's finally over.

    Nung isang araw habang nag lelecture kami para sa final coaching, sabi ng lecturer namin ay may dadalaw daw na bisita, at sa di inaasahang pagkakataon, napaka sweet talaga ni Dean! Oo! Si dean ng school namin ay nag punta sa review center namin dahil nangingibabaw ang mga taga ****! Yan ay school namin. :D Ibig sabihin mejo bidabida kami sa review center. :D hihihi. Tapus nag message si dean samin. Kinilig naman ang mga cells ko dahil binigyan nya kami neto...


mini bag na may lamang gamit para gamitin namin sa board exam. :D
   Sorry po, binura ko ang pangalan ng school namin, pero yung logo hindi. hahaha. Bahala na kayo mag isip kung saang school ako galing. :D At hempre ang laman nyan ay ang pencil na gagamitin namin! Ano ka ngayon? Blessed ang pencil na yan. Napaka supportive talaga ng school ko. :D hihihi. At eto pa!
Mga novena para dasalin! :D
    Hindi ko inaasahan ang novena na yan. Alam mo kung bakit?? Kasi Yung St. Rita of the impossible ay pinupuntahan namin sa Roxas Dist. dinadayo pa namin para lang mag punta dun sa adoration chapel nila. Pero bumagyo kaya hindi na kami nakabalik. At mabuti nalang kasama sa binigay nila yan! tadaaahhhh!!!! Kasi usually ang mga pinupuntahan ng mga studyante, Yung St. Jude, Quiapo, at kung anu-ano pang mga simbahan...at heto pa ang pencil naming pang bigtime!!! :D

TADAAAHHHH!!!!
LIMITED EDITION TO PARE! :P


    San kapa? Mag eexam lang kami, limited edition pa binigay samin! nyahahaha. Isa lang ibigsabihin nyan...BIGTIME ang school namin. haha Pati narin ang ospital nito dahil suki nya si Cory Aquino at nag donate pa ito sa ospital namin kaya naka post ang pangalan nya sa Fifth floor ata..Hindi ko na matandaan. haha. Basta yun ang alam ko. :D Pero nalungkot naman ako dahil Ang mga taga school lang namin ang binigyan, ramdam ko na mejo nainggit yung iba dahil hindi sila dinalaw ng dean nila at  mga CI, samantala kami, binigyan pa ng 10000% support. Awww... 







    Finally, natapus na rin ang review namin. 


    Akala ko mass lang ang meron kahapon, hempre dahil last day namin, nagpa-late kami. :D Sabi ko sa BB ko, mga 9am na kami pumasok na dapat ay 8am, pero sa kasamaang palad, 9:30am kami dumating!!!! Peste talaga. Pano ba naman, usad paggong! mula frisco hanggang Sto. Domingo! Yun naman pala ay may hinuhukay nanaman silang kung ano! >.< Pero ganun pa man, hindi namin na miss ang mga dapat namin mapanuod, nung una kala ko nag lelecture kasi ang lakas ng tunog mula sa bintana ng review center namin. Pag akyat namin, hala! sige! isang bonggang bonggang program pala ang meron.. Yun ang sinasabi nilang STRESS MANAGEMENT.


     Syempre, alam nila na onti nalang sabog utak na kami. Sa dami ng kailangan aralin, basahin at matutunan..pakiramdam ko hindi pa sapat ang lahat. Halos lahat kami, yan ang nararamdaman. Pagkatapos ng mga bonggang bonggang pasabog na program, nag break muna at nag simula na ang mga 'Habilin'. Akala ko mag ra-ratio o lecture ang dating lecturer namin..pero yun pala sya ang bahala sa pag 'reflect' namin..


    Yung totoo, ayoko umiyak..kasi diba sabi ko sainyo, Iiyak lang ako ng bonggang bongga pag hindi ko na kaya. At sa di inaasahan, yung sipon ko ay tumutulo nanaman! pinayuko kasi kami at wala akong magagawa so parang umiiyak ako. haha. Pero nung mejo kalagitnaan na, sabi ng kaibigan ko na kabarkada ko na 'babe' ang tawagan naming dalawa..bigla nya sinabi na.. 'Pinag-pray ko kasi sana sya ang kahawak natin ng kamay ngayon..' sya ang isa naming barkada na iniwan kami, hindi kami, yung nakaupo sa harap namin na ilang linggo na kami hindi pinapansin. At shetland! Biglang bumuhos ang iyak ko. :'( Kasi hindi ko na kaya na wala sya. Alam mo yung barkadang lagas? Yung may nawawala, yung may kulang. Peste talaga. Sila ang weakness ko. At ayan umiyak talaga ako. Kasi HINDI ko na kaya. Kahit lagi namin sya pinaparinggan, kasi nasaktan din kami sa ginawa nya, sya parin ang hinahanap hanap namin. :') pagkatapos ng matinding reflection, lahat kami namumugto ang mata. Isa lang tumatak sakin, sa araw g board exam, hindi na namin kasama ang mga ka-review namin, kung hindi kami nalang mag-isa at ang Lord God. :') Kakayanin namin to! Promise!


   Pagka-pasa ko ng huling exam, sisipain ko ang upuan ko!!! At hinding hindi na ako lilingon pabalik! :')


WE CAN DO IT! WE CAN MAKE IT! & WE CAN TOP THE BOARD EXAM!!!

Eto ang sandata ko sa Board Exam!!!
       Pagkatapos ng Mass namin nung hapon, sabi ni father ay i-labas daw namin lahat ng gamit na gagamitin namin sa board exam..at sa kasamaang palad.. WALA AKONG DALA! Kung hindi ballpen! at color blue pa! shet talaga! Buti nalang si babe ay madaming dala.:D Binigyan nya ako ng isa..dahil iniwan ko sa bahay lahat..at nilabas ko din ang wallet ko! bwahahaha. Ako na ang may blessed na wallet para hindi mawawalan ng laman!!! ^_^ dahil yun lang ang dala ko. hahahahaha.


Sana hindi nyo makita ng maayos ang magandang picture ko. bwahaha.



 

    






























                                                                                           -ang laging bida,

Friday, June 24, 2011

Lord, we need to talk.

 Lord,
(Hindi pa ako nakakauwi, mag uumaga na!!!)
       
       Salamat kagabi, hindi mo kami pinabayaan. Na-stranded kami sa espana dahil sa malakas na ulan ni Falcon. Na-devirgenized ako! hahahaha. First time ko mag lakad sa baha na may kasamang ipis, daga, malakas na ulan at hangin. May libre na din Leptospirosis at E.Coli. :D 


        Sana, hindi na maulit. Sana after 1 week hindi ako magka lagnat dahil alam ko yun ang senyales ng leptospirosis. Hindi rin ako naka bili ng prophylaxis dahil pesteng hinanapan ako ng reseta!!! T_T 


      Pero, salamat nakauwi ako ng 2am. Anak ng teteng 6pm pa natapus review ko. Umaalingasaw na ang amoy ko sa baho ng baha. :( Pero salamat nakauwi ako ng buhay. :D


      Salamat din sa pag dagdag ng anxiety ko. Amf. Dahil habang nag hihintay ako humupa ang baha, nabalitaan ko na nilabas ng ng PRC ang listahan ng Manila para sa board exam. At dyos ko po, kahit nagugutom na ako at gusto ko ng lamunin ako ng kama sa pagod, may lakas parin ako para tignan kung saan ako nasa destino. At pag sinuswerte ka nga naman, hindi ko alam ang Arellano Highschool sa Sta. Cruz. Bahala kana Lord kung pano ako pupunta. :D


      Yung totoo, ina-anxiety na ako ng bonggang bongga.. akalain mo sa taas ng anxiety ko napakain ako ng dalawang pancit shangai, 7 na sausage at fried chicken with rice, samahan pa ng 4 na subo ng spaghetti na pasalubong nila daddy sakin dahil galing sila sa ospital para sa check-up.


     Salamat at maayos na ang daddy ko. :) Thank you for a wonderful life & experience. 



Kadiri abot singit na ang baha. hahahaha. Malas ng 3 ugok na  matatapang!
                                                                                                                 
                                                                                          -Ang laging bida,


Tuesday, June 21, 2011

9, 8, 7, 6, 5....

     Palapit na ng palapit ang araw ng Board Exam, isang linggo at araw nalang ang binibilang. Sa tuwing maiisip ko, parang binabaliktad ang sikmura ko at napapautot nalang ako ng mahaba sa takot, kaba at nerbyos. Dyos ko, malapit na. Tulungan mo kami, ibubuhos ko lahat ng brain cells ko sa board exam, yung tipong mapapa-handa ng isang buong lechon at banderitas ang nanay at tatay ko! Kaya ko to men! :D Pero kinakabahan ako ng bonggang bongga, dahil natatakot ako sa magiging resulta.

Ang anxiety level ko, ay tumataas na na kasing taas ng Mt. Everest! Sana sa pagtatapos ng Board Exam, eto na una at huli. At kung tatanda man ako sa propesyon na ito, sana ganito parin kaming mag babarkada..--------------> :D

    Tangging dasal nalang ang pinaka malakas kong kinakapitan. Lahat na ata ng dasal ay naidasal ko na, siguro natotorete na sakin ang mga Santo at si Lord sa paulit ulit kong paghingi ng tulong..

    Lord, isa lang naman ang hiling ko, tulungan mo kami sa exam na to, ang dami naming pinagdaan makaabot lang dito. Salamat din po at di pa ako nalalagutan ng hininga. ^_^





Saturday, June 18, 2011

Happy Father's Day

         Thank you Lord God, at nakauwi na ang tatay ko mula ICU, to Room, and finally home. :)

Salamat po sa biyaya na natatanggap namin araw-araw, at kahit po na-ospital ang tatay ko, hindi parin po tumitila ang pag buhos ng biyaya samin. Naandyan ang mga kapit bahay na namimigay parin ng mga fruits. :) Tsaka po kagabi pag tapos naminmag church ng mga kaibigan ko, salamat po at kasama ko sila.:) Tapos nung nag uwi kami ng cake at donuts naman na galing din sa isa kong kaibigan, salamat din po.:)

At sana po ay may bumili na ng toshiba laptop po. :D
Para may pang gastos po ako araw-araw. :) 

FOR SALE TOSHIBA, CLICK NYO NA PLEASE? :D

sana i-click po nila ang link na yan. Sana may magka-interest na po. :)


  Maraming salamant din po at pumasa ako sa Pre-Board examination. Shet! Napangiti mo ko Lord ng ganito... :D

Salamat. Naiyak din ako sa tuwa sa dami ng biyaya mo. ^_^














Friday, June 17, 2011

FOR SALE Bnew Toshiba Satellite C655D-S5192, Dahil sa Matindi ang aking pangangailangan. :)



Performance

Processor*
AMD E-Series Processor E-240
Operating System*
Genuine Windows 7 Home Premium (64-bit)*
Graphics Engine*
AMD® Radeon™ HD 6310
Graphics Memory*
384MB-947MB dynamically allocated shared graphics memory

Memory and Storage

Memory*
2GB DDR3 memory
Hard Drive*
250GB HDD (5400rpm)
Optical Drive*
DVD-SuperMulti drive (+/-R double layer)

Audio and Video

Display Size
15.6" widescreen
Display Type*
HD TruBrite® LCD Display
Display Resolution
16:9 aspect ratio, Supports 720p content, 1366x768 (HD)
Audio
Standard stereo speakers, Microphone jack (mono), Headphone jack (stereo)

Communication

Webcam
No Webcam and microphone built into LCD bezel
Wireless LAN*
Wi-Fi® Wireless networking (802.11b/g/n)
Bluetooth
No Bluetooth (No Antenna)
Modem*
No Modem port
LAN
10/100 Ethernet LAN

Power

AC Adapter
65W (19V 3.42A) Auto-sensing, 100-240V / 50-60Hz input
Battery
Li-Ion (48Wh, 6-Cell)
Battery Life*
Up to 6.05 hours

Expansion

PC Express Slot
No PC Express Slot
SmartCard Reader
No SmartCard Reader slot
Media
Memory Card Reader
USB Ports*
2-USB (2.0) ports

Software, Support and Security

Security and Protection
Security Cable Lock Slot, HDD Recovery, TOSHIBA Supervisor Password Utility, Password Security
Software*
Microsoft® Office Starter 2010 (Reduced functionality Word® and Excel® with advertising)*, Google® Chrome, TOSHIBA ReelTime™, Microsoft® Windows Media Player 12, Microsoft® Windows Live Essentials including Photo Gallery, Messenger, Mail, Writer and Movie Maker., TOSHIBA Disc Creator, TOSHIBA Media Controller, TOSHIBA BookPlace™, TOSHIBA HDD/SSD Alert, TOSHIBA Recovery Disk Creator, Norton Internet Security™ 2011 (30-day trial), TOSHIBA Service Station, TOSHIBA Bulletin Board™, Microsoft® Silverlight™ , TOSHIBA App Place, WildTangent Game Console
Standards
Energy Star Qualified, RoHS Compliant*, EPEAT™ Gold
Standard Limited Warranty*
1-Yr Parts and Labor, 1-Year Battery

Physical Description

Inputs and Controls
touch pad on/off, touch pad pointing device with multi touch control, Standard US keyboard with 10-key pad (Black)
Weight*
Starting at 5.5 lbs.
Color
Trax Texture in Black


CONTACT ME IF YOU'RE INTERESTED:
09172446123
09228386466

Thursday, June 16, 2011

15 Days.

   Lord God, Please help all of us. Don't give up on us.  I won't break my promise. I swear.
I trust in you..

   Again, my endless thank you for not taking my life today. It's your greatest gift. :')

Tuesday, June 14, 2011

"I am willing to bleed...just for my family"

   I got that quote from a famous and in-demand lecturer of CHN. :')

    Sa pag tatapos namin ng lecture sakanya, kahapon ang huling araw na makikita ko sya..namin. Hindi ko inakala na gagawin nya ang isang bagay na mag papalakas ng loob namin. Nag pray-over sya na mala 'Couples for Christ' kaya feeling namin member sya ng samahan na yun. 

     Ganito ang nangyari, sabi nya saming lahat, tumayo kami..edi dali dali naman kaming sumunod sakanya. Ang buong akala ko ay Ordinaryong dasal lamang ang gagawin nya samin. Pero hindi. EXTRAORDINARY ang ginawa nya. Lahat na ata ng dasal at hiling ay hiniling nya kay Lord, sa harapan namin. Hindi ko lubos naisip na ang isang lalake na sobrang laki, at puro tattoo ay gagawin yun sa harap ng halos 100 mahigit na tao at take note, UMIYAK din sya ng mas matindi kesa sakin. Sa dami dami ng idinasal nya, isa lang ang alam ko na gusto nya iparating samin. Dapat kayanin namin to. 4 years kaming nag aaral para lamang labanan ang 2 araw na board exam. Shet. Alam mo yung kaba ko kahapon?? parang 10x habang humihiling sya sa Dyos. 

    Simula pa lang alam ko may mga iiyak, alam ko may mag lalabas ng emotion nila sa pag-iyak. Syempre, umiksena naman ang sipon ko. At dahil naka yuko ako, leche tumutulo ang sipon ko. At naluha ako lalo na nung sabihin nya na parang, "Para ito sa mga magulang nila na naghirap para makarating sila dito, sana i-bless nyo po silang lahat, para sa mga pinilit lang sila sa course na ito, sana makapasa po silang lahat, I know they're willing to bleed para makuha ang lisensya na dapat ay para sakanila." Yes, I am willing to bleed sa loob loob ko, gagawin ko ang lahat lalo na matanda na ang mga magulang ko. Pero alam mo kung anong muntik na na magpa-baha ng luha ko? Ng sabihin nya na,"Para po ito sa mga magulang na hanggang ngayon ay naghihirap para sakanila, para sa mga magulang na may mga karamdaman na dinadaanan ngayon." Naisip ko, Shet! nasa ICU nga pala ang tatay ko. Alam mo yung urge na parang..Lord, I AM VERY WILLING TO BLEED just for them. Kakayanin ko po ang lahat para sakanila. 

     Buong prayer hindi ako pumikit kahit sinabihan kami na pumikit at buksan ang aming mga kamay, kasi alam ko simula't sapul, gusto ni sir na maramdaman namin yung mensahe na gusto nya na maintindihan namin. Na sana seryosohin namin itong board exam na ito para sa mga tao na naghirap  makarating lamang kami dito at para ito sa sarili namin na hindi sumusuko hanggang ngayon. Hindi ako lumiyak, naluha luha Oo. Pinigil ko ang iyak ko, kasi alam ko, KAYA KO PA AT KAKAYANIN KO ANG LAHAT PARA SAKANILA.

    Idadaan ko sa iyak na bonggang bongga ang lahat kapag suko na ako. Promise, hindi ako susuko hanggang buhay pa sila. Habang may magulang pa ako. Gagawin ko ang lahat. 


Basta Lord, never let me go..

                                                                         

Sunday, June 12, 2011

ICU isn't thebest place for you...Dad.

   My dad was confined last night in the ICU. It's not the best place for him.. :'( I really don't know what I should feel. 
      Lord, alam mo madami  pa akong pangarap sa mundo, ambisyosang tao ako alam mo yan..para sa mommy & daddy ko. Nangangarap ako ng imposible dahil gusto ko itong maging posible para sakanila. Sa ngayon, sila ang buhay ko, sakanila umiikot ang mundo ko. Ginagawa ko na po lahat ng paraan para ma-ranasan nila yung sarap ng buhay na ibinigay nila saakin. Sana, sana maibalik ko din sakanila. Pasensya na po kung nag mamadali ako. Kasi alam ko hindi na sila tatagal sa tabi ko. Hindi kasi sila kasing bata ng ibang magulang. Ngayong taon na to, pareho na sila magiging senior citizen. Si dady 64 na..si mommy 60 na sa July. Tapus ako 20 pa lang. Ni-hindi pa nga ako legal sa casino sa tuwing pumupunta ako kelangan ko pa dayain ang edad ko. Hay.. Lord, maawa ka na. I just wanna give the best for my parents. Please. Habaan nyo pa buhay nila..Ano pa ang silbi kung magiging mayaman ako sa sarili kong pagsisikap kung wala yung mga tao na pag-aalayan ko nito?! Masakit yun. Kasi hindi ko maibibigay sakanila on time yung dapat na sakanila. Please, gagawin ko lahat para sakanila habang humihinga pa sila sa tabi ko. Wag muna ngayon. Wag muna..         


Friday, June 10, 2011

Tulungan mo ako. :'(


     Nalulungkot ako ngayong araw na ito. Nalaman ko na din ang resulta ng Pre-boards namin. Pasado lahat ng NP ko, pero hindi parin umabot ang average. Ang sakit. Gusto ko umiyak. Parang 200% ng buhay ko ay bumibigay na. Naiiyak na ako kanina habang nagpapa-lakas ng loob ang lecturer namin. Na hindi pa huli ang lahat! Ilang araw nalang. Habang isinisigaw nya na "Can you do it? Can you make it? Can you top the board exam?!" Syempre sa bawat tanong, isang malakas na YESSSS!!! ang sagot ko. Pero yung nararamdaman ko, hindi ko ma-explain. Kasi pinanghihinaan ako ng loob. Kinakabahan ako. Natatakot ako..na maging 'failure' ulit. Ayoko na. Tama na. Napapagod din naman ako. Minsan napa-isip ako, at nangarap din na maging isa sa "Board of Nursing" o BON kung tawagin nila..naisip ko kung magiging ganun ako, ang exam hindi kasing hirap ng pag paparusa nila sa mga studyante. Padadaliin ko, kasi hindi naman nila alam ang dina-danas ng bawat nursing students. Yung hirap ng magulang naming lahat. Yun yun eh! Ayoko namang umiyak nalang kanina kasi parang ang labas eh, nagpatalo na ako sa laban kahit hindi pa sumusugod. Tsaka umiyak din yung kaibigan ko kanina..pag umiyak pa ako, baka lalo sya mawalan ng pag-asa na mag top..Matalino kasi talaga sya alam kong kaya nya at naniniwala ako sakanya. :)
     
       Grabe talaga..hindi ko alam kung anung kahihinatnan ng buhay ko pag tapos kumuha ng board exam. :'( Yung mga pangarap ko, ayoko mawala. Halos andun na ako. Malapit na konting tyaga nalang. Promise, kung ano man ang makukuha ko, ibabahagi ko ito sa bawat pilipino na kaya kong tulungan. :'( Ewan. Yun talaga pangarap ko. Kasi kung sila hindi fortunate na makapag aral, kung may pagkakataon ako na mapag-aral at mabigyan din sila ng magandang kinabukasan.SHET LORD! TULUNGAN MO AKO! TULUNGAN MO NA SANA MAKAYA KO TO! KELANGAN KO NG 10000000% NA LAKAS NG LOOB! ALAM KO KAYA KO TO!!!!! :'( ayokong panghinaan kasi wala akong  mabibigay sakanila. Kailangan makaya ko to!

      Tapus sasabayan kapa ng kaibigan mo na hindi naman marunong magpahalaga ng advice mo. Sana hindi nalang nya ako kinaibigan. Kasi wala yung masasakit ko na sinasabi sakanya, mas masakit yung hindi mo maramdaman yung halaga mo sa kaibigan. Kung ganun din lang ang tingin nya samin o saakin sana hindi ko nalang sya nakilala. :'( Sana hindi ko nalang sya pinrotektahan kung sya mismo ayaw ng proteksyon. :'( 

LORD KAILANGAN KITA BIG TIME! WAG MO AKO PABAYAAN. AALAGAAN KO ANG MGA KAPWA KO HIGIT PA SA PAG AALAGA NILA SAKIN. IN THAT WAY, SANA MAIBALIK MO SAKIN ANG TIWALA MO. SANA LORD WAG MO AKO SUKUAN, KASI HINDI KITA SUNUKUAN AT HINDING HINDI KITA SUSUKUAN KAHIT BUMIBIGAY NA AKO SA PANINIWALA KO SAYO. ALAM KO KAYA MO AKONG TULUNGAN. :') WAG NA WAG MO AKO PAPABAYAAN PATI NA ANG MGA TAO NA NAKAPALIGID SAKIN. SALAMAT PO.

Thursday, June 9, 2011

Konting Tiis nalang, promise!

       Malapit na mag board exam, hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman..halo halo..kinakabahan, nae-excite at natutuwa dahil malapit na mag exam at para matapus na rin itong matagal na naming pinag hahandaan. Ang anxiety level ko abot langit na! leche. Yung totoo ayoko mag trabaho bilang nurse. Na-realize ko ito habang nag re-review ako sa isang sikat na review center. Siguro, huli na ang lahat ng sumuko ako. Kasi ang hirap. Mahirap maging isang nurse. Hindi ko kaya ang responsibilidad na nasa kamay ko nakasalalay ang buhay ng tao. Dyos ko! Kung magiging nurse man ako, sa bawat pasyente na dadaan sakin, lisensya ko ang nakasalalay pati na rin ang pangalan ko. Syempre, pag nagka-lokoloko na. Sira pangalan mo pati narin ng buong pamilya mo. Hay...Kung alam ko lang na ganito sana..sana... :(

      Pero masaya narin naman ako. Madami akong natutunan, nalaman at natuklasan. :) Isang bagay na walang makakaagaaw sakin. At akin lang habang buhay... :) Konting tiis nalang..mag ta-top ako sa board exam!!! ^_^ Kakayanin ko to promise!!!!!!