Total Pageviews

Ninja Followers :)

Saturday, May 14, 2011

Natupad ko na ang gusto NILA.

  Sawakas, nakatapus din. Pero parang hindi parin. Pero halos andun na.


Graduate na ako mga dudung at duday! :)

Oo natapus ko din ang pag-aaral ko ng walang humpay. Pasensya na at matagal tagal akong nawala. Busy-busihan ang lola nyo! haha.

  Naalala nyo ba ang comprehensive exam na na-kwento ko? Kung hindi, basahin nyo nalang ulit o bahala na kayo sa buhay nyo. :D Sa totoo, matagal ng sikat ang comprehensive exam sa Nursing. Halos lahat ng studyante ay yun ang ayaw nila gawin samin dahil dito nakasalalay ang buhay ng diploma mo. Kung papasa ka, GOOD. Kung hindi, malas mo. Hindi ka ga-graduate, hindi ka rin ma-marcha. Sino ba naman ang may gusto nun?! Yung apat na taon mong pinaghirapan ay pwedeng maglaho ng parang bula. Pero pwede mo naman ulitin yun. Maghihintay ka nga lang ng 6 months para sa schedule ng susunod na comprehensive exam.

  Nung una, wala naman akong pakialam sa comprehensive exam na yan. Sumasagi sa isip ko, pero hindi ko naiisip na parang.."SHET! kailangan ko ti ipasa para maging nurse ako!". Pero iba ang naisip ko, "%$$%^$&!!, KAILANGAN KO to ipasa para hindi nakakahiya, at may PANGLABAN ako!" Oo, Masama na. Pero ito lang ang paraan ko na mahihigitan ko sila sa sandamakmak na panlalait ng mga mata nila sakin. May Diploma ako. May pinag aralan ako. Pinag hirapan ko to. Akin to. At kayo wala! Yan ang nasaisip ko.

  Nung kumuha ako ng compre, ramdam ko na papasa ako. Walang alinlangan. Sinasabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako kabahan kasi alam kong pasado ako. Pero isang linggo bago lumabas ang resulta, kinabahan ako ng bonggang bongga! Mga 8x ako jumebs. Promise. At sa tuwing nachi-chismiss na lalabas na ang resulta. Hala ayan! may world war nanaman sa chan ko!

   Nung araw na lumabas ang resulta, FEBRUARY 15, 2011. 1 buwan matapos ang exam, Ayan na. Nag kakagulo na. Ang dami ng pumupunta at umaakyat sa 2nd floor, dahil naka post na sa bulletin board. Halos mag ingay ang mga 4th year Q15 (every 15 min.- medical term) sabi nila. Hala. Lalo ako kinabahan. Pag akyat ko sa taas, hiinanap ko muna ang pangalan ng bestfriend ko. Mga friends ko. Talagang pang finale ang pangalan ko. At ayan. Nag ingay din ako sa tuwa! At wala kaming pakialam ng mga oras na yun kahit nakakaistorbo pa kami ng mga on going class ng 1-3rd year.

(Yan ang grad pic ko na nakapost sa isang malahiganteng screen habang nag lalakad ako)
  Naiyak ako talaga. Pero pinigil ko. haha. Bakit ba?! emotera ako e. Pero totoo, hindi lang pagmamalaki ang kaya kong gawin sa nakuha ko kung hindi dahil, KAYA ko pala, kahit sumusuko na ako umpisa pa lang. Sabi ko noon, ayoko na. Shift na. Aalis na ako ng school ko. Pero heto ako. GRADUATE NA.
Kasalukuyan akong nag re-review sa isang center sa morayta malapit. Yung totoo?! Hindi ako handa sa board exam, pero heto nanaman sila at namilit.Sige, susundin ko parin kayo. Ipapasa ko to dahil gusto nyo at gusto ko rin naman. Malapit na ang board exam. 48 days nalang. Sa hirap ng pag file sa PRC ng exam, talagang paninindigan ko na to!


No comments:

Post a Comment

Just say anything you want. :)