Total Pageviews

Ninja Followers :)

Saturday, May 21, 2011

Ang tanga mo! Pero mahal parin kita, ATE. :')

    Naalala mo ba ate nung mga bata pa tayo? Kung pano tayo mag-away na parang walang sinasanto na kahit sa loob ng simbahan ay nag aaway parin tayo? Alam mo ba namimis ko yun..Kasi pagnag aaway tayo, lagi mo ako pinag bibigyan dahil bunso ako, ATE kita.
    Naalala mo ba ng sabay tayo pumasok sa 'Gift Gate'? tapus sabi ng seller, "Kambal kayo?" Namimis ko to lahat. :'( Kasi habang tumatanda tayo, dina tayo masyadong nag uusap, napaka bihira..Nung unang heartache ako, sabi mo sa friendster ko, "Sino kailangan ko i-football?" dahil football player ka, sisipain mo para sakin..Ngayon kaya sisipain mo parin ang nananakit sakin? :( Nung nag 19th birthday ako, naalala mo rin ba? Kasi mahilig ako sa party na laging may 'alcohol' then everything got wild that night. Naalala mo? nung nagagalit na sila mama, pero pinag tatanggol mo ako..ang sabi mo pa nga nuon, "Hayaan mo na sila, malalaki na yan! Ok lang ang mga yan" tapus umiyak ako. Alam kong mahal na mahal mo ako..

   NGAYON, ikaw na ang nasaktan..sorry wala akong magawa, or probably meron if ever na makita ko ang nanakit sayo. Sorry nag ni-ninja ako sayo, kasi di ka naman nag ku-kwento sakin kaya ako na ang hahanap ng paraan kung ano ba  talagang nanyare. Sana, papasukin mo naman ako, sa isip at sa nararamdaman mo. Mahal parin kita kahit lagi mo ako tina-tarayan, sinusungitan, binabara, inaaway, nililibre. Kahit anung gawin mo, kapatid parin kita..ATE parin kita kahit anong mangyare. Hindi kita iiwan kahit gusto na kitang pasabugin!. :') 

     Namimis lang kita. Yun lang talaga. :')

No comments:

Post a Comment

Just say anything you want. :)