Total Pageviews

Ninja Followers :)

Friday, January 28, 2011

Natatakot kaba? Natakot ako.

    Kung natatakot ka, wag ka mag alala..Minsan kailangan natin sundin ang sarili nating gusto para sa sariling kapakanan natin. May mga kilala ako, pinag aaral sila ng mga magulang nila para sa ikabubuhay ng pamilya nila..at maging ang mapapangasawa mo ay naka line up na. Katulad ko. Hindi ko gusto ang kurso na kinuha ko, pero natuto ko na rin mahalin ang isang bagay na ayaw ko. Nasa linya ako ng medisina ngayon dahil ang gusto ng mga magulang ko ay maka pag asawa ako ng doktor. Bakit doktor? kasi sa henerasyon ko, wala ng nasa linya ng medisina. Ang kapatid ko ay nag aaral sa magandang paaralan ng UST, pero hindi sya naging nurse, physical therapist, pharmacist, psychologist. Sya ay naging isang magaling na GRAPHIC ARTIST.
  
    Natakot ako dahil wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi mag nurse. Para mapalinya sa 'Medical Field' na sinasabi nila.Inako ko ang responsibilidad na sana ang 'panganay' ang gumagawa. Masakit para sakin, dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maging SPED teacher o PILOT. Gusto ko maging isang SPED teacher kahit hindi ako mahilig sa mga bata, lalo na sa mga makukulit. Ewan ko ba. Kasi naaawa ako sakanila, may mga diperensya sila pero ang daming tao na pinag kakatuwaan sila. Hindi nila binibigyan ng chance mabuhay ng normal ang mga batang ito. Hindi nila pinahahalagahan ang nararamdaman nila.
   
     Gusto ko din maging 'pilot' kasi gusto ko makapunta sa iba't ibang bansa na ako mismo ang nag mamaneho ng eroplano. haha. Napaka ambisyosa ko talaga. Wala naman akong magagawa, minsan lang akong mabuhay, gusto ko maranasan ang lahat. Gusto ko makuha lahat ng gusto ko.

      Oo, natakot ako. Kasi ng magsimula akong mag nursing, wala akong idea. Wala akong alam sa larangan ng medisina. Pero habang tumatagal, sa dami ng duty ko madami akong nare-realize. Ang pagiging nurse ay hindi isang simpleng bagay. Ika-nga nila, kailangan mo ng pang unawa dito. Kailangan ng tender loving care. Ikaw ba kaya mo mag alaga ng mas matanda pa sayo? mas kulubot? mas mabigat? mas malaki? mas maliit? may nakakainis na ugali? may mabait? may nakakairita? may nag mamarunong pa sa nurse? Kayo kaya nyo ba? KASI AKO, KINAYA KO.

       Nakaranas ako mag alaga ng matanda, na parang isang demonyo nalang ang hindi pumipirma at mamamatay na.Habang inaalagaan ko sila, naiisip ko, matada na rin ang mga magulang ko. Ako'y mag bebente pa lamang ngunit ang mga magulang ko ay may mga discount na sa mga kainan. In short, senior citizen na. Napaisip din ako..hindi sila kaya alagaan ng kapatid ko, asa naman diba. Pero mabait ang kapatid ko, wala lang syang tyaga sa mga ganun.
   
       Nakaranas din ako ng bata, yung hindi pa nakakapag salita..tapos pag umiiyak parang gusto mo na syang sigawan para lang magsalita ng nararamdaman nya. Ang hirap.

        Nakaranas din ako makakita ng mga bata at matatanda na hindi pinalad. In short, patay na sila pag dating samin. Nakakalungkot. Dahil sa kahirapan nila, kaya sila namatay. Hindi pinalad na mabuhay pa ng mas mahaba.

      Ngayon, sana pumasa ako ng comprehensive examination namin para grumaduate na ako..hindi na ako makapag hintay..Gusto ko ng maging isang ganap na nurse. Hindi dahil sa gusto ko ng madaming naka sunod sa apilyedo ko. Tulad ng BSN pag graduate kana, RN pag pumasa ka ng boards, RM pag pumasa ako sa midwifery, MAN pag tapos na ako mag masteral, PHD pag doctoral..at kung ano ano pang nakasunod.

       NGAYON, hindi na ako takot. Nagawa ko na halos lahat ng ginagawa ng isang nurse. Nag simula ako ng may kinakatakutan, pero ngayon, halos tapos na ako na WALANG KINAKATAKUTAN. Kaya ko din pala kahit sa una akala ko ay bibigay na ako.

        Sa dami ng naging duty ko, samu't saring pasyente ang nakikilala at nakakausap ko. May matanda, bata, mahirap, mayaman, pero iisa parin ang gusto ng lahat, ang mabuhay ng mahaba para mag saya, mag bisyo, at makapiling ang mga mahal nila pa kahit sa huli ay mamamatay din sila.

       Nainggit at naiingit man ako sa kapatid ko, dahil sinusod nya talaga kung anong gusto nya sa buhay, ngayon ganap na graphic artist na sya at may stable na trabaho sa isang magandang kumpanya na matatagpuan sa commonwealth. Isang sikat na lugar na pinupuntahan ng tao. Hindi man ako naging kasing tapang nya na suwayin ang gusto ng mga magulang at kamag anak namin, NAGING MATAPANG AKO PARA HARAPIN ANG KATOTOHANAN NA WALA AKONG CHOICE KUNG HINDI MAPUNTA SA MEDICAL FIELD. :)

      Sa huli, alam ko sa sarili ko, ang mga natutunan ko ay gagamitin at mapapakinabangan ko din. Para 'to sa inyo mommy & daddy. I'll take care of you. Wag kayo mag alala, matatanda na kayo, ang mga buto nyo ay hindi na kasing tibay ng buto ko. Aakayin ko kayo hanggang sa huling hininga nyo..