Total Pageviews

Ninja Followers :)

Monday, December 26, 2011

Worst Christmas.

Ang tagal ko na hindi nag bo-blog.

Nakaka-miss din pala. Pansin ko lang puro tungkol sa pasko ang  nasa facebook wall ko.

Nakakainis. Nakakabwisit. Nakaka-inggit.

Yung totoo? Walang kwenta ang pasko namin.

Dati hindi naman ganoon. Dati as in bongga ang handaan parang buong barangay ang kakain at hindi maubusan ng laman ang lamesa. Hindi sa pag mamayabang, pero halos pang mayaman ang pagkain..

Peronung nakaraang pasko, shet lang. Tangina saang karinderya nakuha ang mga pagkain namin?!

Pucha. Kare-kare na napaka-labnaw ng sarsa at adobo na maitim ang laman. Plus pizza hut lang ang handa!

Taena.Sana kung alam ng drag me to hell na tita ko na hindi sya makakapag handa, sana nanahimik nalang ako sa bahay at nag order kay mcdonalds. NATUWA pa ako.

Sabi nga ng nanay ko, "Hindi na sana kami pupunta, bukas ng umaga nalang sana." Ang sagot ng tita ko, "Eh magagalit naman ako!" Lintek.

Tapus pakakainin kami ng napaka samang pagkain. Alam mo yun, it's christmas asan na ang naka-ugaliang roast beef, callos, steak!?

Nakakabadtrip. -_- Gusto ko isampal sa muka nya ang mga panget nyang handa.

Eto pa. Nung 12am na, syempre dapat mag o-open na ng gifts. Shet alam mo yung 1am na, pero wala parang nag o-open at inaantok na ang lahat dahil sa walang kwentang christmas party..

Sana sa New Year kung alam ko mas masarap ang magiging handa namin..

Wednesday, December 14, 2011

Gusto ko...

AKO TO! :D
Gusto ko maka-meet ang new friends.
Wala lang. Parang ang boring lang kasi, pare-parehong muka ang
nakikita ko sa tuwing magkikita-kita kami, at isa pa puro inuman nalang
ang ginagawa namin. Panrang ang panget lang ng bonding diba? Haha.

Feeling ko, tapus na ako sa stage na puro party, gusto ko naman goodtime. :) Yung tipong kahit tumatanda na, sumasakay parin ng space shuttle nag papaka lunod sa swimming pool at kumakain..

Ewan, feeling ko lang mas masaya yun. :D

Nag lalaro ng truth or dare, nag pa-patintero, tumbang preso..haha
Ang saya lang siguro..at least habang kaya pa ng mga tuhod ko, siguro gagawin ko ulit yun..tapus mag zipline nadin na hindi ko pa nasusubukan..
gusto ko lang maramdaman kung paano makipag-bet kay kamatayan ulit. hahahaha. :D

Tuesday, December 13, 2011

Hindi na ako aasa pa...

Malungkot talaga ako..as in..

Ewan..nawawalan na ako ng pag-asa.

Hindi nalang ako siguro bibili..

Goodbye..

18K

16K

 





















My precious..16K.. :'(


Hahayaan ko nalang kayo..
Pag tyatyagaan ko nalang tong walang kwentang cellphone ko..

Thursday, December 8, 2011

Techie..no more. :'(

Hay..ang gusto ko lang naman..

bagong techie stuff..pero bakit hindi kita makuha? :'(

Samsung i9003..bakit hindi ka mapasaakin? :'(

Ikaw lang naman ang hinihiling ko ngayong pasko..

pero kung hindi kita makukuha ngayon..

Kahit anong bagong cellphone nalang...

Hay..it makes me real sad like a kiddo.. :'(

Monday, December 5, 2011

I'm officially, UNEMPLOYED.

It's official.
I am  unemployed.
Yes. I resigned. 

Sa ngayon, wala akong plans.
As in wala pa.

Gusto ko nalang muna ayusin ang napaka gulo kong kwarto.
Mag vacuum  ng mawala na tong sandamakmak na alikabok na naninirahan sa kwarto ko.

After din noon, gusto ko mag un-wind. Tara! Shopping? Tambay?or anything under the sun. 

Masaya naman ako sa decision ko. No regrets. Trabaho lang yun. Hindi nakakamatay. Maghahanap nalang ulit ako pagtapos ko siguro mag IVT at BLS training. Peste! Kailangan ko ba talaga gampanan ang pagiging nars?

Hay.. buhay..

Para namang may choice ako. :(


Monday, November 28, 2011

May you rest in PEACE!

  Kahapon habang ako ay naka tayo sa 'shop' may isang  babae na sumulpot na pamilyar ang itsura at ang bungad saamin..

"ASAN ANG MANAGER DITO!?
Gusto ko sana sabihin, 'nasa pwet mo nagkakape!'
Pero magalang ko parin na sinagot...

  Nag taka ako, sabi ko nalang wala at nag tuturo sya ng tao. Dahil tatlo kami at ako lang ang naandun nung isang gabi. Nung malaman nya yun, pinag a-away nya ako sa loob ng tindahan at sinabi nya na pinag tatawanan ko daw asawa nya! Excuse me! Wala akong pake sa asawa mo! At sabi nya na pinanonood daw nya ako sa labas habang pinag tatawanan asawa nya. Eh gago ka pala!? Sino ba asawa mo!? Sus. Yung mukang ermitanyo!? Kasi yun ang sabi ng kasama ko. Hahahahah!!! At dahil busy-busihan ako sa isang bumubili na customer, pag alis mo at ng asawa mo, sabi ng kasama ko, "Nakita mo yun?!" Sabi ko, "Ha? Sino?".."Yun yung ermitanyo na madaming pera!"


Tapos heto ka nag hi-histerical sa shop namin telling me na
-Hindi ka marunong mag english! -Duh? Paki ko? Am i asking?!
-Kaya bumili ng asawa mo ng mga lacoste?! - So?! I can buy the whole store of lacoste?! And besides ang cheap ha! lacoste lang!?
-Born again ka at hindi ka makatulog sa ginawa ko?! - Ulul! wala akong ginawa sa asawa mo at kung hindi ka makatulog sa ginawa ko, now you may REST IN PEACE! MATULOG KA NG MAHIMBING! PAKSHET!!! BORN AGAIN KA LANG SA SALITA! AND BESIDES, IM NOT ASKING WHAT YOUR RELIGION IS! PAKE KO?!
-At hindi alam ng asawa mo na andun ka sa tindahan namin kahapon at pinaaabot mo saakin ang kasalanan na imahinasyon mo lang! ARE YOU INSANE?! Para kang ahas, patalikod tumira eh bakit hindi mo sabihin sa harap ng asawa mo!? Kakahiya ka! Weak ka pala eh!!!
-Sinabi mo din na 'Maayos naman pala ako, akala mo baliw ako!' IKAW IKAW ANG BALIW! PARANOID!!!!! Hahahahah
-Nga pala, sabi mo din kahapon na kung hindi ako nagwagwapuhan sa asawa mo pwes ikaw gwapong-gwapo! -Tanginnaaa am i asking again?! Why don't you die?!


ANG SAMA TALAGA NG LOOB KO SAYO, AND I WANNA SEE YOUR FACE AGAIN AND I WILL LET YOUR HUSBAND KNOW WHAT YOU DID TO ME! SINIRA MO ANG ARAW KO! NGAYON MAKAKATULOG KANA NG MAHIMBING! SANA WAG KANA MAGISING!

Sunday, November 27, 2011

Wala ng Katuturan.

Pansin ko lang... Parang wala ng katuturan ang pag pasok ko sa walang kwentang trabaho ko.. Nag resign ako at hanggang Dec. 4, 2011 nalang ako dito.

Oo, nasa trabaho ako ngayon.. Hahaha
Bawal ang cellphone at kung anu-ano pa. Pero heto ako nag ba-blog! Nyahaha. Nag papasaway na ako dahil aalis narin naman ako. Hindi na ako makapag hintay.

Wala pa akong plano pagka-tapus ng pag alis ko. Wala talaga. Siguro sa bahay muna ako at mag mumuni-muni.. Mag aayos ako ng bahay at kwarto ko at patuloy parin ang pag papa-payat ko. Wish ko lang diba ma sana maging kasing sexy ko na si Ann Curtis hahahaha or pwedeng akin nalang sya? Syet. Diko sya pag nanasahan, tititigan ko lang sya at baka sakali na magkapalit kami ng mukha!!! Hahaha. O sya sige, paalam.. :) at hanggang sa muli!!! -nia liza :)

Wednesday, November 9, 2011

I resigned. I just DID.

      Pagkatapos ng ilang buwan, eto at napag isipan ko na mag resign. Bakit?! Kasi hindi na ako masaya. Yung totoo? Walang kwenta ang management. Ok naman ang pasahod, para sa isang tulad ko na beginner pa lang, minimum na with benefits pa plus OT.

       Tinawagan ko ang bossing ko, sabi ko ayoko na ang dinahilan ko, mababa ang sahod. Hindi kaya, syempre as expected..dahil alam ko na malaking kawalan ako sa company, HINDI sya pumayag at biglang nag offer ng OT pagkatapus nya ito tanggalin. Hanep diba? Para wag lang ako umalis. Pero wa-care ako, pinilit ko parin ang gusto ko. Sabi ko, kahit anong manyari aalis ako sa date na gusto ko, mag inventory man sila o hindi. Hindi ko na problema yun.

       Ang ayoko din sa company na yun, ay ang mga webcam nila na walang silbe! Imbes na mga customer ang i-camera nila, ayun KAMI ang kinukuhaan feeling naman nila kinukupitan namin ang caha. Eh, kung tutuusin, kami ang nag papa-kain sakanila! Kami ang nag hihirap mag benta ng products nila. Kami ang nag de-deposit ng pera sa banc account nila! At ano lang ba ang kinikita namin? Sus. BARYA. I'd rathher go out and do shopping than to stay with a company with no organization. I hate everything about the company. Hindi rin sila nag babayad ng tamang tax. Saan kapa? Pero sandamakmak na ang branch nila all over the Philippines! Ayos diba?


HINDI NA AKO MASAYA SA WALANG KWENTANG COMPANY NA PINASUKAN KO. HINDI KO KAILANGAN NG COMPANY NA HINDI PINAHAHALAGAHAN ANG MGA STAFF NILA!

Oo, Malungkot ako sa ginawa kong pag resign. Pero wala akong magagawa..
Dahil yun ang dapat.


Monday, November 7, 2011

Banco de Oro

Kasalukuyang nakapila nanaman ako sa BDO. Usual ko mg ginagawa to araw-araw para mag deposit ng kinita ng shop araw, araw.. Hindi ko maintindihan kung bakit napaka bagal ng serbisyo nila! May isang araw ay nakapila din ako dito mga 2:30pm ng hapon, pero naka balik ako ng shop ay 5pm na! Dyos ko?! Bdo people aren't you alarmed with this kind of service that you are giving!? Imbes na madami pa akong magawa sa mha oras na yun, eh naubos lang ang oras ko sa kaka-pila! Yung tipong laging blockbuster ang pili sa sobrang haba! Hay... Sana mag bago na ang serbisyo nyong napaka kupad! Thank God hindi ako nag open ng account sa inyo.

I'm still loyal to my BPI family and BPI bank. They're still great and amazing. :)

Tuesday, November 1, 2011

Malapit na!!! :D

Dahil ilang buwan nalang, malapit na ako maging legal sa casino! hahaha

Tatanda nanaman ako, 5 months to go..

Hmm..at dahil lagpas lagpas isang taon na rin ang blog na ito, may pakuno akong gagawin!!!

At ang mananalo ay may Prize na makukuha, Seryoso ako!! ;D

KAYA ABANGGAN ANG MECHANICS KUNG PAANO MANALO. :)

Friday, October 28, 2011

For the sake of our GIFTS!

Hello there! :D

Ang tagal ko na hindi nag blog. Na miss ko to. I swear. :D

Napansin ko lang no, ANG LAKI ng TINABA ko baby! :(

Nung nag aaral pa ako, payat ako. LITERAL.

Pero nung natuto ako lumakad kung saan-saan. Hala. Lumobo ako BIG TIME! :(

Kaya may gagawin kami ng bb ko, 'coz christmas is fast approaching!!! Pareho kaming LUMAKI! Literal na lumaki! -_-

Kaya nag challenge kami...

>Kung gaano kalaki ang ipapayat namin until x'mas dun naka base ang gift na ibibigay namin sa isa't isa!< NYAHAHAHA!!! Isn't amazing?!..


And seriously, it's not a joke. From my 1 year ago waistline of 28'' naging 34''!!! CAN YOU IMAGINE MY GODDAAAMMMM BEEERRRBELLYYY!??? For Gift's sake! Mag da-diet na ako talaga. Hahaha. I never thought na lolobo ako ng ganito kalaki..

I'll be posting my pics kung papayat ako! At papayat akkkkoooo!!!!!!!

At pag pumayat ako hindi ko kayo papansinin! bwahahahahahaha


Friday, October 21, 2011

Wednesday, October 12, 2011

Lord, help me decide...

Alam nyo naman na may trabaho ako ngayon, hindi pang nurse kahit rehistradong nurse na ako. Noon pa man pangarap ko na ang mapunta sa field ng 'Geriatric Nursing'.

Natuwa ako ng malaman ko na kinukuha akong private nurse. Isa pa sa mga gusto kong field. Ayoko talaga sa hospital. Pero ang kumukuha saakin ay ang tita ko para sa tito ko na inatake nanaman ng stroke at ngayon may tracheostomy na. Ok lang naman sakin ang mag suction, pati sa tracheostomy site pa. Walang problema sakin. Kahit mag hugas ng pwet nya. Mahal kasi ang singil sa ospital ng private nurse na kinuha namin para sakanya. Lalo na hindi pi-pichugin ang ospital nya. 1,600php per day ang presyo sa ospital na yun kaya nag offer ako ng price ko, tutal tito ko naman sya, kaya ok lang sakin kahit hindi ganun kataas ang sahod.

Kahapon pinuntahan ko sya. Nag absent ako sa trabaho ko, para makita kung kaya ko at kung ok ang condition nya. Hindi ko inasahan ang mararamdaman ko, ang magiging reaction nya. I've never seen him this emotional. Ako na din ang nag suction sakanya kahapon at nagmasahe ng kamay  at braso nya dahil hindi narin naigagalaw. Pero shit. Naiiyak ako habang ginagawa ko sakanya. Naaawa ako sa kalagayan nya. Lalo na ng makita ko na hinawakan nya ang kamay ng tita ko. Ang asawa nya.

Sa tuwing naiiyak ako sa tabi nya, dumidistansya ako. Kunwari nag c-cr makatakas lang sa emotion na nararamdaman ko. Kaya ko. Kaya ko alagaan sya...Pero ang kalaban ko ay ang napaka-babaw kong emotion...

Sa pag dating ko palang kahapon doon, sabi ng tita ko.."Kilala mo ba yan!? Si A**!?"

Alam nyo ba kung anong respond nya?

Tinuro nya ang sarili nya sa bandang dibdib..

Ibigsabihin, AKO ang gusto nya mag alaga sakanya. AKO at wala ng iba dahil ilang nurse na nya ang sinesante nya. Sabi pa ng tita ko...

"Noon, yan ang inaapi mo! Lagi mo inaasar at pinapaiyak, ngayon sya na mag aalaga sayo."

Ewan hindi ko talaga mapigil. Naiiyak ako. Dahil nakikita ko parin sakanya ang tita ko na mahal na mahal ko na higit pa sa buhay ko na tinakasan ako..namatay sya nung wala ako. :'( Sana tumagal pa ang buhay ng tito ko. Wag muna Lord. Wag muna, everyone's not ready for whatever will happen to him.

LORD, Help me decide.
Kaya ko iwan ang trabaho ko para sakanya.
Kaya ko.
Pero sana gawin mong bato ang pakiramdam ko.



Thursday, October 6, 2011

Salamat Lord.

"Lord, ang hiling ko lang naman ay isang 2pcs. fried chicken with rice and large coke..pero dinagdagan mo na ng large fries, ngayon dadagdagan mo naman ng cheeseburger! :D Sana HINDI maubos ang laman ng menu mo para sakin. :)" - posted last tuesday.

Pero thursday pa lang kahapon, may biyaya ka nanaman sakin! Good Lord! dinagdagan mo naman ng spaghetti ang order ko. ^_^

Kahapon ay kumuha ako ng gate pass for the SECOND time around sa trinoma, dahil hindi ako makakapag-open ng shop namin on saturday dahil wala pa akong ID ng trinoma.

Ang tanong ng guard saakin, "Pang ilan mo na!?"

"Pangalawa po!"

"Bakit?!, teka mag usap tayo, umupo ka jan!"

*Umupo ako sa harap nya dahil andun ang upuan na nakaharap sa desk nya. Natakot ako! Shit. Baka isipin nito mangloloko ako na staff sa loob ng trinoma. Pero ang totoo, tinatamad ako kumuha ng Police clearance, barangay clearance pati drug test dahil sa dami ng requirements NBI clearance lang ang meron ako! At ayoko umattend ng seminar nila!!! nakakatamad!!! 8am ng umaga ba naman...Pero sige umupo ako. At ang sabi nya ulit..

"Bakit nakadalawa ka?!"

"Hindi ko po kasi makumpleto yung requirements, pero kanina nagpa-drug test na po ako. Hindi rin po ako araw araw na opening kasi yung kasama ko talaga na opening nag leave."

"Paano kung wala kang gate pass?! at paano ka pumapasok!?" 

*SHIT! Kinabahan ako! baka di ako bigyan!!! T_T

"Maghihintay po ako mag 10am para makapasok po ako."

BIGLANG may nilabas si kuya manong guard na papel at biglang sabi..

"E kung bigyan na kita ng pang ID?"

"Ha!? Kuya!? pano yun!? Hindi ba illegal yun!? baka illigal ako!?"

*Pero nag 360 degrees ang ngiti ko! hahahaha

"Hindi! Eto na nga oh!"

*Sabay pakita ng papel si kuya na application ng ID at pinirmahan! at sabay punit ng Gatepass na pinaghirapan ko kunin sa admin! :))

"Oh, ayan ha hanggang oct. 13 na yan!"

"Thank you! Pero totoo!? Hindi na ako mag se-seminar?!" 

'Shhhh!!!!"

"Ay sorry po! Sige salamat!!!"

*Napasigaw ako sa tuwa eh, hahaha at habang pabalik ako ng shop, ang ngiti ko ay hindi parin nawawala. Hahahaha. Pinakita ko sa kasama ko, at pinag yabang na hindi na ako mag seseminar!!! Yippeee!!!!! :D

Hahaha. Sila kasi nag hirap pa gumising ng maaga para mag seminar lang. At ako ay mag sa-submit kay kuya lang ng requirements ko! 


Thanks Lord. :D

Monday, October 3, 2011

Hindi ako nagkamali...

A4tech Natural Multimedia Keyboard
Sabi ko na nga ba..

Hindi doon natatapus ang ka-adikan ko. :D

Nag break ako kanina ng 1hr para kumain..pero, nag ikot-ikot parin ako sa trinoma. Dinala ako ng mga paa ko sa digital world ng trinoma. Wala akong nagawa. Para akong bata na sabik na sabik!

Nag punta ako sa Cdr-King, nakakita ako ng manipis na keyboard kaso ang mahal. Knowing na cdr ang tatak..mahina, walang quality..base sa mga nabili ko galing sa tindahan nila.

Nag punta ako ng comp link, nakakita ako ng sandamakmak na keyboard plus mas mura pa beybeh!!!

Wala akong nagawa, tadaaahhh! Binili ko. :D Dahil hirap na rin ako sa mataas na patungan ng laptop ko, nakakangawit mag type..

Naisip ko na din ang USB Hub, tutal kung ano-anong gadget na ang naka-saksak sa laptop na di na alam kung sa ilong ko nalang isasaksak, bumili na din ako. Syempre, partner sila ng keyboard ko, a4tech din. :)

A4tech USB Hub - Grey is my choice. :)

A4tech ang napili kong brand, since subok na matatag at subok na matibay na ito. :) I'm currently using my keyboard and my usb hub now. :)




I wonder what to buy next... :D










Tuesday, September 27, 2011

I'm home, safe & alive.

Sept 27, 2011.
Dalawang taon makalipas ang Bagyong Ondoy.

Typhoon Pedring, ang inakala ng madami na magiging Ondoy nanaman. At dahil 12PM pa ang pasok ko at sa mall ang pinag tra-trabahuan ko. As expected, umulan bumagyo, may pasok ako! Ang aga ko dumating dahil hinatid ako nila mama, 11am pa lang andun na ako. Nag liwaliw na muna ako at nag ikot - ikot. Hindi na ako nagulat dahil madaming store ang sarado sa ganung oras. Marahil dahil narin sa bagyo. Malakas ang kumpas ng hangin at ang ulan hindi tumitila.

Pag dating ko sa store namin, sabi ng kasama ko ay ayos lang daw malate ngayon dahil sa bagyo sabi ni bossing namin. Sayang! kung alam ko lang sana nagpalate na ako.

Pumunta ang bb ko sa trinoma dahil hindi sya makauwi. Sabi ko sa terminal na sya sumakay kaso wala daw fx. Kaya kumain nalang sya. At natuwa naman ako at binilhan pa nya ako ng peborit kong pridechicken! at may cheese burjer pa! Ang matindi dun, pati yung kasama ko sa tindahan ay binilhan din nya. Bigtime lang. hahaha. :D Sana lagi nalang sya dumaan ng trinoma. :D

Makalipas ang ilang oras, nabu-bwisit na kami ng kasama ko dahil lahat ng branch namin ay nag sarado na except, Trinoma. >.<

At mabuti nalang 4pm, tumawag at nag txt si bossing. VERY GOOD! pede na umuwi! half day kami. Yehey!!! Ang saya lang kaya umakyat na ako agad sa admin ng trinoma, at nag tanong kung pwede na mag sara ng maaga ang store na walang papers. At go go na kami! tadah! ang bilis namin nag sara! yeahhh!!!

Sa kasamaang palad, walang pa monumento na jeep sa terminal. Pakshet. Nilakad ko ang sakayan ng bus. Nag isip isip na dun nalang sumakay papuntang munoz at dun ako bababa.

Pagkadating ko sa sakayan ng bus may katabi ako lalaki mga isang hakbang lang ang pagitan namin. Bigla syang nag sabi dun sa lalaki sa harap ko na "Kunin  mo na!" sabay kamot sa ulo yung nasakabila dahil hindi nya ata makuha yung tinutukoy nung katabi ko.

At dahil wala akong pakialam sakanila, hala sige! ayos parin ako ng ayos ng naghihingalo kong payong. Naka japorms pa ako dahil dapat maganda parin ako baka may mga chicks akong makasalubong dapat maganda parin ang get up ko. hahaha. Bigla nalang ako nagulat dahil yung lalake sa harap ko ay binaltak ang kwintas nung babae na kakababa lang ng bus. Shit! Pinalo nung babae ng payong at sinubukang bawiin, ngunit biglang nag labas ang kasabwat ng ice pick! shit ulit! At mabuti nalang ay hindi sya natuluyan. Hindi narin nya nabawi ang kwintas nya.

Mabuti nalang ang backpack ko ay nasa harapan ko kaya siguro naisip nung lalaki ay walang makukuha or mahahablot sakin. Mabuti nalang hindi rin ako nag txt or naglabas ng cellphone sa daan kung hindi ang bago kong pinag hirapan ay mawawala ng ganun ganun nalang!

Sabi ko sa babae, hayaan na nya. At least buhay pa sya. Etong mokong nyang kasama na lalake, nag iinarte at gusto pa habulin! Ay gago lang. Gusto ata mawala sa mundo ng maaga. Hahahaha.

Ayun. Na-trauma ako sa bilis ng pangyayari. Shit. Napa-isip nanaman ako. Sasakay ba ako ng bus o hindi?!

Nakita ko ang overpass to SM north edsa. At bigla ko nalang naisip na maglakad ng mahaba kesa ako naman ang matyempuhan ng dalawang ugok na walang hanap buhay kaya nag nanakaw. Takte. Nilakad ko hanggang terminal at humihiling na sana may papuntang munoz. At wapak! Yeah! May jeep akong nakita! At least sa mga terminal ng mall, safe.

Thank God, I'm home, safe & alive. :)

Tuesday, September 20, 2011

Work-a-holic.

I'm so sorry for not updating for the last few weeks.

I used to be a shopaholic, now I'm a WORKAHOLIC.

Sobrang haba ng oras na ginugugol ko sa trabaho ko, kung pwede na mag ot, mag o-overtime talaga ako at WALANG day off! as of now, 8 DAYS straight na ako pumapasok may mga overtime din dyan plus ako pa minsan ang nag o-open ng shop! S***!!! MALL HOURS pare ang trabaho ko. Can you imagine!? At kahit si mudra ay pinagsasabihan na ako baka bumigay daw ang katawan ko at wag na mag ot. Hahaha.. Sorry sya, minsan lang ako magka-trabaho, lulubusin ko na!!! Para sakanya naman lahat to.
:)

Pero kahit ganun, natutuwa naman ako kahit saksakan ng pagod na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko papuputol na mga paa ko sa kaka-tayo. Pero alam ko, in the end, maganda din naman kalalabasan nito. Sa ngayon, pag tya-tyagaan ko muna itong trabaho na ito dahil mag pa-pasko, kelangan ko ng pang gimmik ok!? hahahaha.

Ngayon ko lang nakikita ang value ng pera. Grabe ang hirap kumita!!!!

Dyos ko po, tulungan mo ako, nung una bagong refrigirator ang hiling ng nanay ko, tapos naging flat screen tv, kanina naman Ipad! hahahaha.

Kanina hindi ko na kaya, haha. Bukod sa 8 days na ako pumapasok araw araw, sunod-sunod walang day off dahil tinuloy ko na hanggang sabado para sa sunday ay makapag day off ako dahil gusto ko umattend ng binyag ng cute kong inaanak. :) Nag shopping na din ako kanina nung break ko para sakanya. I'm really happy for him.

O sya sige ako ay magpapahinga na at kakayod na para sa nanay ko. I lab her so mats! :)

I'm gonna make everything possible for my mother dear. :)



Thursday, September 8, 2011

Gadget Freak

Gadget Freak, ang tawag sa tao na hindi na kukuntento sa mga gamit na techie na meron sila.

Ako ata yun.

Isa ako sa kanila. :D

Hindi ko alam pero sa tuwing bumibili ako ng mga gamit ko, lagi ko sinasabi, "Last na to ngayon!" Pero wala eh..after ilang linggo, minsan araw pa nga e..ayan nanaman ako at nag re-research ng bagong gamit na mabibili. :D Hindi ko talaga matiis. Pero hindi naman ako yung tipo ng tao na ibubuwis ang buhay para lang makabili ng bagong 'gadget'. Sinisigurado ko naman na may matitira pa para sa kinabukasan ko. :D

Mahirap na. Baka mamaya pati ang kaligayahan ko sa pagkain eh wala akong pang gastos hahahaha. :D

Ang una kong nabili sa sarili kong pero ay...
Lenovo S10-2 PHP 20K++ 
Yan ang una kong pikit mata na binili pero bago pa nyan may laptop na ako per regalo lang sakin, eto talaga ang pikit mata ko binili. Hindi pa ako nakuntento at pinataasan ko ng memory. :) Sinubukan ko sya ibenta kahit masama sa loob ko, dahil kasama din nya ang HP printer na binili ko din. Pero hanggang ngayon hindi parin sya nabibili...sa tingin ko, para sakin talaga sya. At ayaw nya malayo saakin. ^_^

Ang pangalawang binili ko ay...

PHP 8K+++
Nokia X3-02, yan ang pangalawa kong binili. Bakit? Dahil mahilig ako sa color 'Baby Blue' dahil feeling ko fresh na fresh sa mata yun kaya gusto ko, pero nung bumibili na ako, sinuyod ko ang buong SM North Annex Cyberzone, LITERAL! Naghanap talaga ako ng 'Baby Blue' pero sa kasamaang palad, wala. Sawi ako sa paghahanap. Pero hindi ko matiis, kahit kadiri ang pink sa paningin ko, at yun lang ang kulay na meron. Yun nalang ang binili ko. :(

Pangatlo..ewan.basta gusto ko to! At nalulungkot ako pag nakikita ko sya sa Apple.

Ipod Touch 32G 4th Gen 14K+++
Nung nalaman ko na pumasa ako ng compre, syempre automatic, gra-graduate ako! At yun ang ginamit ko para makuha ko ito.bwahahaha. :D Hati kami ng kapatid ko jan. Dahil asa ka! Hindi kaya ng kunsensya ko na mag labas ng ganyan kalaking pera para sa isang luho. Not unless, kasing useful sya ng laptop. Practical din naman ako kahit papano. :)

Sabi ko last na..pero nasundan parin..eto at may sumunod pa! :D

Divoom Speaker PHP600+++
Divoom speaker, bakit ko gusto?! Iisa lang. Hindi ba halata?! I love the color!!! Pero hindi ko to binili, niregalo ito sakin ng bb ko. :D Nung nag 20th bday ako..sa Apple Store meron yan kung gusto nyo. :) Punta lang kayo dun. Ewan ko lang kung meron pa. Ngayon yan ang gamit ko sa laptop ko.

At ayun..sabi ko nanaman, last na for this year..pero ano?!
Kahapon..Sept. 7,2011

Sony Ericsson Txt Pro Php6K+++
Plano ko na talaga bumili ng bagong cellphone...pero hindi ito! hahaha. Pano ko nabili?! Nadaanan ko lang sa Sony Ericsson sa SM North..ayun. I'm captivated. Dahil hindi sya kamahalan. Knowing na maganda ang quality ng Sony, ayun. Napabili ako in just 30MIN! Imagine? Eh pag bumibili ako ng bagong gamit, inaabot ako ng ilang araw sa pag re-research at iikutin ko lahat ng tindahan mag ca-canvas pagtapus nun..dun pa lang ako bibili. Pero I'm so damn captivated. Ayun bumili kami pareho ni bb, kaya tadaahhh! Pareho ulit kami. :D Ang saya lang. :)

Pagtapus bumili nun, same day..
Php 12K+++
Napabili din kami ng psp ng bb ko! :D Tadaahhh mura na sya. Hinintay talaga namin yun. Ano ako? hilo?! Bibili ng 20K na psp?! hahahaha. Yey! may pang laro na kami!!! Ang saya lang. :)


Eto pinaka matindi...KANINA LANG! Shet! Napadaan nanaman ako sa 'PerfectShot'..sa SM North Annex parin..gusto ko talaga ng camera ever since. Pero HINDI ito planado! Napadaan lang talaga ako at tuminging..May nakita ako..Ang mura Panasonic Lumix S1...Nag demo ng nag demo sakin yung lalake, at dahil magaling sya mag sales talk, napaisip ako. :D Pero hindi ko binili..Ang ginawa ko, hinatid ko ang bb ko sa work nya..at nag MRT ako papuntang Trinoma tutal free ako at day off..Hindi parin nawawala sa isip ko ang Camera na yun..And for one more time, I'M CAPTIVATED! Nag hanap ako sa trinoma nung lumix pero wala.. Pumunta ulit ako sa SM North, at dali daling nag lakad kahit antok na ako..BINILI KO SYA!!! 

Tadaaahhhh!!!!

Php 6K+++

Eto ang latest na kinakiligan ko! Binili ko sya sa sarili ko paring pera! Nyahahahha. I love it. Dahil ayoko ng SLR tulad sa kapatid ko na nangangain ng tanga. Hahaha. Hindi sya user friendly. Now i can  go anywhere na hindi namromroblema sa camera! Tara! Let's go and do the Clicking! :D


I SWEAR..HINDI ITO ANG HULI!!! HAHAHAHA!!! ^_^










Wednesday, September 7, 2011

Wag mo ako itulak palayo.

Daddy,

Bakit hindi ka nakukuntento?
Nag aral naman ako.
Nag Board Exam.
Nurse na.
Pinilit ko.

Kasi yun ang gusto mo.

Ilang buwan na tayong hindi nag papansinan.

Dahil may biyaya na dumating saakin kanina, binigyan ko ang mommy at natuwa ako dahil tuwang tuwa sya.

Sabi nya saakin bigyan din kita. Yung totoo? Wala ka sa plano ko na bigyan dahil si Tito ang gusto kong bigyan at nagawa ko. Nag deposit ako sa bank account nya ng hindi nya alam. Ang sweet no?! Sana sayo ko yan ginawa. Dahil sabi ng mommy na bigyan din kita, sige tutal ilang buwan na tayo parang hanggin sa isa't isa. Hindi tayo nag uusap kahit "Hi" o "Hello".

Binigyan kita, nag baka sakali ako. Sabi ko sayo...

"Daddy, pang shopping mo oh!"

Ano isinagot mo saakin?!

"Hindi ko kailangan nyan! Kunin mo na! Sayo na! Ok na ako sa konting pera ko!"

Iniwan ko sa lamesa at hindi ko kinuha, nag babakasakali na tanggapin mo ang
kaunting handog ko sa iyo. Pero pag pasok ko ng kwarto ko, nakita ko sila Ninoy aquino,
nakapatong sa kama ko. Iisa lang ang ibig sabihin noon, hindi mo talaga tinanggap.

Alam mo ba kung gaano ako nasaktan!?
Panandaliang gumuho ang mundo ko, pero pinilit ko umarte na
parang wala lang. Ang sakit. Yung bagay na pinag hirapan ko, hindi mo
nanaman na-appreciate. Kelan ba?! Ano pa ba ang gusto mong gawin ko!?

I JUST WANT TO BE YOUR LITTLE DAUGHTER, AGAIN. :'(

Mabuti pa sila nanay na kahit salat sa buhay, kahit hindi kasing ayos ng buhay namin ang meron sila, kahit kanal na ang harap ng bahay nila, matatawag mo parin silang Pamilya.

Ngayon pinag iisipan ko, kung kay nanay ko nalang ibibigay ang dapat ay sayo ko ibinibigay
tutal hindi ka naman nakakakita ng paghihirap ko.



Ayoko humiling, pero alam mo kung gaano ako nasaktan?!
Nasabi ko nalang na,
Bakit hindi ka nalang mamatay!? :'(


Thursday, September 1, 2011

HATE ME. RATE ME. LABEL ME.

I am a Lesbian, and I'm not ashamed of it.


Ako ay isang lesbian,
A fem lesbian.

Naniniwala ako na walang masama sa pagiging lesbyana o pagiging bakla. E ano naman sa inyo kung ganito kami?

Para saakin. Walang masama.
Kung tutuosin, madaming bakla at lesbian ang napaka successful sa buhay nila..

Hindi porket, ganito kami ay kailangan nyo na tapakan ang pagkatao namin. Kasi kami, wala kaming pakialam kung straight kayo. Respetuhin nalang natin ang paniniwala ng bawat isa.

Noong bata ako, boyish na ako  talaga. Pero hindi ako hardcore! hahahaha.
Hindi ako marunong mag ayos.
Hindi ako nag papalda.
Hindi ako head turner.
Hindi ako nag he-heels. (Pero ngayon oo.hahaha. Pumps pa nga e. :D Taray diba!)
Simple lang.

Takot ako sa lalake.
Ang weird. Ayoko ng may na-aattract sakin na lalake. Feeling ko mabubuntis ako pag nilalapitan nila ako. Hahahah. Kahit nurse ako, yan parin ang feeling ko. :)) Hindi rin ako nag susuot ng panglalake, yuck. Hindi ako butch. Ayoko nun. Gusto ko pang babae parin. Para maganda parin ako. hahaha.
Tapus pag nalalaman ng mga lalake na lesbian ako, wala na silang magagawa kung hindi ang mag tanong ng, "Ayaw mo ng lalake?!" haha. Yung tipong hahanap sila ng pag-asa kaso wala talaga e. Hanggang asa lang.

May isang beses, mayroong nag private message sakin sa FB, dahil ang tawag ko sa close ko na straight na babae ay 'babe', kaya pag nag po-post ako sakanya madalas ganito, 'babe, kelan ka uuwi? i miss you ang love you', anak ng tokwa sabi ba naman sakin sa FB,


  • February 19
    • BOY: gud pm,,,babae kba tlaga???=) duda kc aq sau e,,pasensya,sorry,
    • sorry po wrong send,,ngkamali lng

  • August 25

    • BOY:
      Hello
      ask ko lng kung nkapasa dn c c***** sa exam?
      Thank u.

  • August 25
    Nia Liza:
    • Yes, she did.

  • August 25
    • BOY: Nakz,congratz. 
      galing ng ex ko. :)


Nag-init talaga ulo ko. Ayoko ng tinatanong ng ganun. Bastos. Tapos sasabihin na wrong send. WTF.
Kaso late ko  na nabasa, dahil kating kati ako sa pag reply sakanya, eto sinabi ko...

"Nia Liza
  • Ok.
  • By the way, about your question regarding my gender. I am a lady physically, but i'm a lesbian. A feminine lesbian. I hope that you're satisfied.
    "

Gagawa pa ng kwento na ex nya daw yung kaibigan ko. E wala pa naging bf yun. Virgin pa nga e.hahaha :D
Hindi na tuloy nag reply, bastusan pala gusto nya ha. Ang kapal pa ng muka na i-add ako! Di naman kami close di ko rin sya kilala personally. Baka gusto lang nya makita ang magaganda kong pictures! Chos! ahaha Ewan ko ba sa mga lalaki, bakit ang baba ng tingin nila sa mga tulad namin?! Ano bang problema?! Dahil ba karamihan sa mga lesbian ay chix na hindi nyo makuha?! O dahil sa pride nyo na wala namang nagagawang matino sainyo. At kapag pinag palit na kayo ng ex nyong babae sa lesbian, maiinis kayo? Tapos hahabol habol ulit. Hay..

At para sakin mas nagtatagal ang mga relationship ng mga homosexuals. Para samin, it's a serious thing. Hindi biro. Hindi pang short-time. Hindi panlokohan. Hindi pang GOOD TIME.

I'm in a 3-year relationship with my partner of course. :)

Kaya wag nyo lalaitin ang mga tulad namin.
Dahil seryoso kami sa buhay.
Mainggit nalang ang maiingit..
Lalo na kung ganito ka hot ang
mag partners! :D
<-------CHEERS! :)



HATE ME. RATE ME. LABEL ME. 
                                                              I DON'T CARE.





Monday, August 29, 2011

Bakit ako Anonymous?

Ako si NIA LIZA...


-Bakit nga ba ito ang napili kong screen name sa mundo ng pag blo-blog?
Dahil..Ang 'Nia' ay mula sa pangalan ng tatay ko na ni-revise ko, at ang 'Liza' ay sa nanay ko naman...pero hindi liza ang pangalan nya..katunog lang.. :D

Ang simpla diba? :)


Bakit nga ba ako hindi nagpapakilala?

-Wala lang. Gusto ko lang mag sulat ng walang iniisip kung may kakilala man ko na makabasa ng mga post ko. Hindi katulad dati, nasayang lahat ng pinaghirapan kong blog. Na-discover ng schoolmate ko na feeling ko malalaman ng lahat ng tao ang lahat ng sinusulat ko tungkol sa sarili ko. Yung tipong hindi pa naka-post, pero naka-announce na sa lahat. hahaha. :))
- Sa ganitong paraan, malaya kong maipapahayag ang saloobin ko. Malaya ako sa lahat ng isusulat ko. Malaya ako sa lahat ng tao sa paligid ko.

Gusto nyo ba malaman kung sino ako? 

- Tignan natin, hahhahaa. Pag nagkita nalang siguro tayo. :D

Gusto nyo ba malaman kung anong itsura ko?

- Wag nalang kaya, nakakahiya.hahahah. Nahihiya ako. Baka masyado akong maganda sa paningin nyo.chos! hahahahaha. :D

...Basta kung kailangan nyo ng tulong ko, just call my name ang I'll be there! hahaha.





Wednesday, August 24, 2011

Ako'y Isang ganap na NARS na.

August 20, 2011.
Habang ako ay kasalukuyang nag tra-trabaho sa isang shop sa Robinson Manila, Asar na asar ako kasi kailangan ko daw pumasok. Walang pasabi as usual, 4am na kasi ako nakauwi noon, partida naka-inom pa at basag nanaman. 8am ng may tumawag saakin at kailangan ko daw mag report sa shop. Asar lang diba?!

Habang ako ay naka-upo masakit ang ulo, kulang sa tulog at wala sa ulirat, ka-txt ko ang bb ko..

Eto ang pinag uusapan namin...
5PM:
BB: "Shet! lalabas na daw ang board exam result!"
Ako: "weh? Di nga, asa. Baka sabi sabi nanaman yan."
BB: "Hindi, nag post na, may update na lalabas na daw"
Ako:"Ah talaga?!"

Ang akin lang, sabi ko sa sarili ko noon, LORD kahit grumaduate lang ako, matapos lang tong pag hihirap ko.
Ok na sakin yun...

7PM
BB:"Fck! Ayan na! Dina-download ko na!"
Ako:"Oh?!"

Maya maya..

8PM
May tumawag...
"Bb,pumasa ka nga, ako hindi.."

Tangina, nag tata-lon ako ng onti sa shop kahit hindi ko pinaniniwalaan.
Kahit may doubt ako na baka niloloko lang ako ng bb ko...

Binalita ko agad kay ate che yung kasama ko sa trabaho, tutal dalawa lang naman kami...
Sabi ko pumasa ako..pero ewan parang di talaga ako naniniwala.

Nag facebook ako sa cellphone ko.
Shit. May mga nag popost nga. Totoo ba to?! Sabi ko sa sarili ko..
Natuwa naman ako kahit hindi ko pa kumpirmado,
ang dami kong tinitxt nagpasalamat sa kung sino-sino kahit hindi talaga ako naniniwala!

Hello! Ako'y isang tao na mabisyo, magimmick, ibibigay ko lahat ng oras ko makainom lang kasama
mga kaibigan ko. Kaya ayan basag lang naman ako nung pumasok. Wala talaga akong gana mag trabaho.haha. Pero kahit ganito ako, masipag naman ako ng onti. :D

Nilibre ko si ate che ng Siomai House dahil mahirap pa ako at wala pang sweldo hahaha.
Para akong baliw, talo pa ang patient ng NCMH ng mandaluyong. Naka ngiti akong nag lalakad. Nag sasalubong ang aking mga ngiti. 360 degrees ba. hahaha

Pero nalungkot din ako,
Bakit ako pumasa?! E shotgun lang halos ng ibang sagot ko. 
Pikit mata ko sila sinagutan dahil taenang DOLE yan. Entreprenurse ang lumabas. 

Test 2 o NP II pa lang, isinuko ko na ang lahat. Sabi ko, taena wala na to! puta.
hahaha.

Pero akalain mo! wala akong below 70/100.
Sa lahat ng limang NP, lahat sila above 70/100. :)

Ang galing ng pang huhula ko! shit.
At eto pa, ang NP2 na sinumpa ko, Yun ang pinaka mataas ko! Edi ako na! Ako na entreprenurse!
ahahahahah.

Pero nalungkot din naman ako, bakit ako pumasa?! Bakit ang best friend ko hindi?
This can't be. :'(

Nag txt parin ako sa nanay ko, sabi ko..
Ako: "Ma, may regalo ako sayo"

Ma:"Ano?"

Ako:"Eto oh, A******** *. F*******, RN" :)

Ma:"Weh?!"

Ako:"Oo nga, Kayo kasi wala kayong bilib sakin, Ako pa?! Ano!? Mag saing kana ng madaming kanin, ihawin na ang asong si tootsi at maghanda ng isang buong lechon!"

..Yung totoo, hindi rin makapaniwala ang nanay ko..
Halos mag iisang linggo na ng maging isang PROFESSIONAL NURSE AKO.
Pero hindi ko parin maabsorb. Ang pangarap ko lang naman ay maka-tapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Ayoko talaga maging nurse. Kinabukasan noon, pinuntahan ko ang bb ko dahil ginabi na ako sa pag uwi nung sabado. Linggo noon. Umiyak ako, umiyak ako sakanya ng sobra-sobra..
Hindi ko matanggap na hindi sya pumasa. Na ako lang. :'( Ansakit. 
Sabi ko sakanya, ayoko naman maging nurse talaga. Pero ang RN na nakasunod sa pangalan ko ngayon, ay forever ko ng dadalhin hanggang mamatay ako. Hindi ko na mababawi yun. Hindi na..
Hindi ko gusto mag nurse dahil hindi ko kaya ang pressure na nasa kamay ko ang buhay ng lahat ng patient na dadaan sa kamay ko. Baka mamaya, mamatay pa sila. Pero gusto ko mag trabaho sa parang golden acres. Yung tulad din ng camillus medheaven sa Marikina, Mga nag aalaga sa matatanda.. Yun lang ang gusto ko. Nursing home, mga ganyan. Ewan. Sobrang attach talaga ako sakanila..marahil yung respeto ng mga matatanda sa paligid ko, sa pamilya ko ay hindi ko nakuha. :'(

Matagal na ako nag hahangad ng respeto. Kahit kelan alam ko, nararamdaman ko na napaka baba ng tingin ng pamilya ko sakin at mga pamilya ng nanay ko dahil lahat sila mayayaman. Lahat kumikita ng maayos..

Ngayon, ngayong nurse na ako. Isang totoong nurse, nakuha ko na ang gusto ko. :')

Sabi ng pinsan ko na flight stewardess,
"Congrats! Natalo mo na ate mo! hahaha. Joke!"

Sabay sabi ko naman ng...
"Hindi naman, MEJO lang!"

Finally, nakuha ko na ang respeto na gusto ko.
Si ate kasi sa magandang school nag aral, UST. Nag tra-trabaho sa magandang company..ako hindi.
Sya walang board exam, kaya mabilis nagka-trabaho.

Pero dahil may board exam ako, at FIRST TAKE ko pa, ano sya ngayon!? hahahha. yabang eh no.
Pero yung totoo, mejo natuwa din ako sa sarili ko. Napatunayan ko na kaya ko. At walang impossible. :')
3 beses man ako bumagsak ng mga minor subjects, lalo na ang philo na sinusumpa ko.
3 beses man, sa huli AKO PARIN ANG NAG WAGI!

Isa lamang ako sa mga mapalad na pumasa ng board exam.
Out of almost 79,000 board examiner, I am one of the 37,513 who passed the board exam.:)

I am very proud of myself.
I am a certified Professional NURSE at the age of 20. :)




Wednesday, August 17, 2011

Pangungulila.


Marahil nung nakaraang mga linggo, ang problema ko lamang ay kung pano makakahanap ng trabaho, halos isumpa ko na lahat ng HR dahil pakiramdam ko, akala nila sa sarili nila ay Dyos sila na dapat sambahin ng bawat applicant.
Naisip ko noon, kung magkaka-trabaho ako, gusto ko pag uwi ko isisigaw ko sa buong bahay naming na may trabaho na ako. Gusto ko patunayan na kahit Nursing ako, kayak o makahanap ng ibang trabaho na hindi related sa kurso ko. Gusto ko maipagmalaki ako ng mga magulang ko. Gusto ko umangat naman ako kahit minsan. Gusto hindi na ako minamaliit. Gusto ko sila naman ang pagsisilbihan ko. Gusto ko ng maayos na kinabukasan para saaming lahat.

Ganyan.
Ganyan ka-planado ang lahat. Gusto ko planado. Gusto ko plantsado. Gusto ko walang mali.

Pero sa di inaasahan na pangyayari. Dahil ilang linggo na ako nahihirapan sa pag hahanap, hinahabol ko ang paglabas ng board exam result, para kahit bumagsak ako, alam kong may patutunguhan ang buhay ko. Dahil dito, naisip ko na i-kwento na sa mga magulang ko…

Nanghihina na ang loob ko dahil pakiramdam  ko wala na akong pag-asa. Lahat ng barkada ko, halos lahat ng kakilala ko, may trabaho na, pero bakit ako wala parin?

Bakit nangyayari sakin ito? Halos hindi ko matanggap ang lahat. Pinilit ko kumuha ng lakas ng loob sa pamilya ko, sa nanay at tatay ko. Pero hindi ko inaasahan, bakit pinipilit ng tatay ko na mag manager daw ako sa fast food naman? Pero nursing ang kinuha ko. Bakit ganyan ka? Nagiisip kaba? Na kwento ko din na kaya hindi ako natatanggap dahil nasasabi ko na balak ko paring ituloy ang pag na-nurse pag pumasa ako ng board exam,  dahil sa panahon ngayon ‘loyalty’ ang hanap ng mga kumpanya.

Hindi ko first time mainis ng sobra sa tatay ko, dahil pinipilit nya parin ang gusto nya. Eh pano naman ako? Pano naman ang gusto ko? Kesyo mag ganito at ganyan daw ako. Pinipilit nya ako mag flight stewardess pero tangina naman, hindi pa nga pwede ngayon hindi pa ako handa dahil tumaba ako nung nag rereview. Hindi porket andun mga pinsan ko, mag gaganun narin ako. Bumababa na nga self-esteem ko sa bawat pag a-apply ko na nare-reject ako.

FIRST TIME KO MAG WALK OUT. Bastos na kung bastos. Pero nasaktan ako.
Parang hindi nya pinahahalagahan yung sinasabi ko at nararamdaman ko.

Ngayon may trabaho na ako, pero hindi ko magawang sabihin sakanila na 2 linggo na ang nakakalipas ng pumirma ako ng contract. Hindi ko magawang i-share sakanila yung saya na naramdaman ko dahil sawakas, may trabaho na ako.

Ang unang tanging naka alam ay ang nanay ng bestfriend ko na mabilis ko na-txt na may trabaho na ako. Sumunod ay ang tita ko na kasundo ko. Pero sila, wala silang alam. Tangging sa facebook ko lang sinigaw sa status ko na sawakas may trabaho na ako! Na sana, sa loob ng bahay naming ko naisigaw…

Halos apat na linggo na o isang buwan akong nag titiis dito sa bahay, hindi parin kami nag uusap ng tatay ko. At kahit ang nanay ko, damay na. Gusto ko sila ayain katulad ng dati..pero hindi na siguro maibabalik.

Bakit ang lakas ng loob ng daddy ko na sabihan ako na ‘HINDI AKO MAGKAKATRABAHO DAHIL SA UGALI KO?’ Eh ang tanong, kilala ba nya ako para sabihan nya ako ng ganun? Hindi pa ba sapat yung pag alis ko halos araw-araw at pumunta kung saan saan? Para lang makakita ng maayos na trabaho? At kahit alam ko na pyramid scam ang inaalok sakin, pinuntahan ko parin at umaasa nab aka sakali na hindi yun scam. Ang sakit. Humagulgol ako ng sobra dahil sayo. Yung totoo? Gusto nalang kita mawala, anyway wala ka din naman nung pinanganak ako. Wala akong kwenta sa paningin mo. Hindi mo nakikita lahat ng paghihirap ko, ay sorry nakalimutan ko hindi mo pala naranasan to. Ang mag aral at maka-tapos sa kursong hindi ko naman gusto. Ikaw kasi lumaki ng walang ina at ama, kaya siguro hindi mo alam kung pano maging isang tunay na magulang. Sa dinami-dami ng tatay, bakit ikaw pa naging ama ko?

Tsaka hindi mo naranasan makatapos ng pag-aaral dahil sa muka kang pera, inuna mo ang pagtra-trabaho, hindi mo man lang naisip na 2nd year college kana, 2 taon nalang mas magandang kinabukasan ang meron ka pag nakatapos. Hindi ka nga rin naging Chief ng barko dahil hindi ka nakatapos! Sorry sa pang iinsulto, pero ininsulto mo ang pagkatao ko.

Sana nabibili din ng pera ang magulang para makabili ako ng bago. Yung mabait, yung “FAMILY ORIENTED” at hindi “MONEY ORIENTED”. I hate you more than anything in this world. If given a chance, I really wish that you just go away. Umalis ka na sa buhay ko! Hindi ko kailangan ng isang ama na mukang pera.

Mabuti pa si nanay sa sto. Domingo, kahit  mahirap sila, Masaya sya para saaming mga ampon nya. Kahit sa squatter’s area sila naka-tira, mas gusto ko parin tumambay sa lugar nila. Kahit pinagsabihan ako na wag na masyado doon pumunta sabi ng mommy ko, wala parin akong pakialam. Kahit hindi kami tunay na anak, ramdam na ramdam ko ang totoong pagmamahal ng tunay na magulang.

Kahit doon lamang sila nakatira, napatunayan ko na ang mga tao sa ganung lugar ay mas totoo pa kesa sa may mga pera.

Kaya ang pangarap ko na sana ay para sa totoong pamilya ko,
Ay pangarap ko na para sakanila…

Sunday, August 14, 2011

First Day at Work: DROP DEAD.

Kakauwi ko lang kahapon mula sa simbahan, hindi pa nag iinit ang pwet ko sa kama ko. Iniisip ko ang trabaho ko, since naka pirma na ako, naisip ko kelan kaya ako tatawagan? Sabi 2 weeks pa, pero 1 linggo nalang ang natitira.

Hindi ko inaasahan, may biglang tumawag saakin, walang pangalan na lumabas..pagkasagot ko..

"Hello?"

"Hello a** si ma'm E**** mo ito, pinapareport ka ni ma'm v***** ngayon sa Robinson Manila, alam mo ba yun?"

"Ha?! Opo.."

*natulala nalang ako.shet.*

"O sige, t-txt ko sayo yung address ha."

"Okay po"


Yan nalang ang nasabi ko. Ang balak ko pa naman ay magpahinga, 11:30AM nun att kailangan daw ako ng 1PM na dapat 12PM. E anak ng tinola. Hindi ako handa!!!  Sana man lang sinabihan ako kahit a day before. T_T

Pagkadating ko dun, hindi pa ako nag uumagahan at nag tatanghalian, dahil sa kamamadali ko. 
Si ate Jen ang nakasama ko, sabi nya sakin ilagay ko na daw ang mga gamit ko sa loob..
hmm..ano kaya ipapagawa nito? naisip ko..

Yun pala parang start ko na, pero hindi ko alam! Wala akong schedule at kung ano pa man..kaya ngayong lunes ay hindi ko alam kung papasok ako..

Tinanong ko din si ate jen kung hanggang anong oras ako, sabi nya 9PM. Parang ako...WTF?!
Hindi man lang sinabi at sabi pa ni ma'm vangie si ate jen na bahala sakin. hmf.

So ang unang pinagawa ni ate jen sakin ay kopyahin ang LAHAT ng price ng nasa store..naiyak ako. hahah ANDAMI SOBRA!!! Pagkatapos nun, wala naka-tenga na kami nag hihintay ng mga customer na papasok. 

Madalas ako iniiwan ni ate Jen dahil sa pag CR at pag bili ng food nya, pero ok lang. Dahil nag dadasal ako SANA WALA PANG PUMASOK! hahaha.dahil deads nanaman ako pag may tinanong na di ko alam.

At sa kasamaang palad, shet. May pumasok na kano. Natawa nalang ako at napamura sa isip ko. Hindi dahil sa english ang dapat na salita kung hindi dahil @#()*#&*#^ Ano isasagot ko?!
Anong alam ko sa mga baril? Military accessories?! 
Gusto ko isigaw..NARS AKO!!!! TAENA MO! hahahaha.
Pero diko ginawa syempre. Bad yun.

Nakakapagod din pala mag trabaho sa ganun, dahil nag hihintay kami ng oras ng closing, pero anyway, ok naman ang first day ko dahil nakabenta ako sa intsik hahaha. :)

..At ngayon, lunes hindi ko alam kung papasok pa ako ulit dun dahil wala pa akong schedule. Wala pa akong alam, hindi ko talaga alam!!! :)))


Saturday, August 13, 2011

FOR SALE Lenovo IdeaPad S10-2 Grey with FREE HP Deskjet D2660 Printer

CPU: Intel N280 1.66G
Ram: 1024M - 2GB of PC2-5300 DDR2 SDRAM 667MHz (Upgraded from 1G)
HDD: 160GB
LAN: 10M/100M
Display: 10.1'' W LED
Battery: 6 Cell
OS: Windows XP SP3

-Used for typing & printing only.
-Used for 1 year.
-Bought from LENOVO SM ANNEX, North Edsa

-With Free HP Printer..Since naka Install na din dito
yung printer, FREE nalang dahil nawawala yung installer. :) 
-Used for 3 Months - HP Deskjet d2660 Printer 


PLEASE KUNG SINO MAY GUSTO JUST LEAVE YOUR MESSAGE.
MEJO MATINDNG PANGANGAILANGAN. :(
LIBRE NA TO! PARA SAYO! :)


Mura ko lang naman binebenta para mabili na..Thank you..

Tuesday, August 9, 2011

I'M HIRED!!!

I'm officially HIRED beybeh!!! :)
Pagkatapos ng ilang linggo, ang pag hihirap ko sa pag hahanap ng trabaho dito sa pinas ay nag bungga na!!! Sh*t lang. Ang saya ko! hahaha.Umaayon ang panahon at si Good Lord sa mga plano ko sa buhay. :) 




Una, naka graduate ako ng napaka bata,19y/o tapus na ako mag aral! 
Pangalawa, may trabaho na ako!!! Yehey!!! Pareho kami ng bb ko, kahit na di kami pareho ng trabaho o napasukan, ayos na sakin to. Basta hindi ako tambay!!! Ang saya lang ahahaha. Eto talaga ang masasabi ko na akin lang to! Pinag hirapan ko to! Halos mabaliw na ako sa kakahanap ng sarili kong trabaho.  


Kaya lang naman ako  nag mamadali mag trabaho dahil halos lahat sa tropa namin ay may trabaho na, pakiramdam ko, I'm so left out. Malapit na rin lumabas ang result ng board exam, shet. Ang anxiety level ko ay kasing taas na ng Eiffel Tower! Syempre ang panget naman kung wala akong trabaho tapus pano kung bagsak pa ako sa board exam?! Magpakamatay nalang kaya ako pag ganun?! Hahahaha. Pero siguro pag ganito may trabaho na ako, hmmm..Kung papasa ako, GOOD! papakain ako! haha.. Pag hindi, shet lang talaga. Pero ayos lang since ayoko maging nurse ok lang basta may trabaho ako. Hindi ako masyado aapihin.:D


Eto na! Hahahaha. Kahit minimum lang ang kitain ko, ayos lang may benefits naman..Yung usual, SSS, Phil health, blah blah..at kung anu-ano pa!!! Nakakatuwa nga kasi pag naospital daw ako, may worth 7,500 silang sasagutin sa hospital. At pag gusto ng magulang ko ng pang casino nila, patayin nila ako at may 75,000Php silang makukuha!!! Hahahahaha. At dahil alam nyo naman na desperado ako, kahit wala pa akong trabaho noon, inayos ko na ang SSS,Phil Health at NBI clearance ko. At na Very good nanaman ako! bwahahaha. Yung pesteng TIN nalang ang kulang ko. Akala ko pa kung sino yung kausap ko sa office, pag tinggin ko sa Company Profile na pinapabasa sakin, shet lang ulit! VICE PRESIDENT pala yun! hahaha. Wala sa itsura eh ahahaha. 


Binigyan din nila ako ng mga Time In & Out, Overtime slip, Leave of absence slip at pina-open nila ako ng account sa BDO para maayos nila ang limpak limpak kong kikitain! hahahaha. :D 


Mag iipon talaga ako, shet. Unang trabaho ko to.
Hindi nga lang ito ang pinag aralan ko, pero napuri naman ako habang pinapapirma. Hahaha. Dahil hilig ko ang pag  bebenta, sabi sakin ang daldal ko daw! Bagay na bagay sa trabaho namin. Hahahaha. :)) 

Love it!!!! 


OVERTIME, Here I come!!! 
To our success, CHEERS! :)