Total Pageviews

Ninja Followers :)

Sunday, September 13, 2015

Kung maibabalik ko lang..

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan..
Hindi ako kukuha ng nursing.

Hindi eto ang first choice ko.

Hindi ako okay.

Masaya minsan, pero madalas..

Malungkot.

Hindi ko halos matanggap sa sarili ko na hinayaan ko maging walang kwentang professional. :'(

Walang trabahong regular.

Walang maitulong sa pamilya.

Walang Silbi. :'(

EXPLOITED NURSES IN THE PHILIPPINES

Nalulungkot ako kung paano maliitin ang mga nars dito sa pinas.
ni wala kang makuhang trabahong maayos..

Nag apply ako kanina sa isang derma clinic, habang papunta,
naka set na utak ko na kukunin ko yung trabaho. Dahil gusto ko talaga
sa mga clinic. Kahit mimimum ang bayad, okay na sakin.

Ramdam ko, papunta pa lang ako, matatanggap agad ako.
Okay sana yung trabaho, kaso ang catch,

150 lang ang bayad ng training samin for 2 weeks, tas biglang sinabi na
"Okay lang ba na ibabawas sa sahod nyo na 10k per month ang 60k na
ginastos ng company sa training nyo sainyo at di kayo pede umalis ng 2 years?"
At kapag umalis, breech of contract yun. Hay..

Yung unang applicant na kasama ko, umalis na. Malamang, hindi sya pabor sa
kalokohan na yun. Ako naman, naisip ko okay yung trabaho na 2 years na contract,
pero yung babawasan pa yung barya naming sahod, hindi na ata tama yun.

Final interview ko na sana, kaso..napag isip-isip ko..
Para naman akong nag trabaho nun ng dahil sa utang na 60k.
Masyado nyo na inapak-apakan ang pagka nurse namin.


Friday, August 7, 2015

"Mahal ko.."

Hindi ko alam paano sisimulan..
Pero ang alam ko pareho pa tayo namromroblema noon,
hindi natin alam pareho anong trabaho ang papasukan natin
dahil pareho tayo sumusuko agad...


Sa sobrang lakas ko kay Lord, binigyan nya ako trabaho bilang nurse na talaga.
Gusto kita makasama sa trabaho noon kaso hindi kapa board passer..

Hindi nag tagal, nagkatrabaho ka din. Yun yung pinaka masayang nangyari sa
buhay nating dalawa. Dahil sa Ortigas ka na assign, dito ka sa Quezon City nag stay.
Sa bahay. Tayong dalawa magkasama halos dalawang taon din yun.

Dumating sa punto na naglakas loob kana ulit mag take ng board exam..
Hindi kita pinabayaan, tinulungan kita hanggang sa abot ng aking makakaya..
Sobrang saya ko nung pumasa kana. Ako ang unang nakaalam. Pero alam mo
yung feeling na may kurot eh. Damang-dama ko eh. Ang sakit sakit.

Ikaw, sayo ko binuhos halos lahat ng attention ko. Sabi mo noon, mag hahanap kana
ng ibang trabaho yung malapit nalang sa bahay natin. Masaya ako nung panahon na yun.
Umasa ako, aaminin ko. Kahit alam ko hinding-hindi mangyayari un.

Pero ngayon, nagbago na naman ang gusto mo. May trabaho kang papasukan
malapit sainyo..3 oras ang byahe bago makapunta sainyo. Ibigsabihin dun kana rin
mag stay pang habang buhay. Parang unti-unting bumabagsak ang buhay ko.

Ayoko na maging selfish, gusto ko maging masaya ka. Gawin mo lahat ng gusto mo.
Magkaron ka ng trabahong hindi ka ilalayo sa pamilya mo. Kahit malayo ka sakin,
kahit hindi na tayo magkita. Okay lang..basta maging masaya.

Sana hindi ka magsisi sa mga plano mo sa buhay, kahit wala ako. Alam ko magiging okay ka,
dahil sobrang swerte mo sa family mo. Tutulungan ka nila.

Wag ka mag-alala sakin. Kaya ko sarili ko. Yung family ko hindi kasing galing ng pamilya mo. Hindi kasing supportive ng family mo.
Kaya ko kahit ako lang. Kaya ko. Kakayanin ko.

Wag ka mag alala, magiging okay din ako.
Masasanay din ako na malayo tayo sa isa't-isa. Kahit ang hirap-hirap.

Yung pakiramdam ko ngayon, back to zero nanaman ako. Ako nanaman mag-isa.

Kahit alisin mo na ako sa mga pangako at plano mo sa buhay. Basta maging masaya ka.

Kakayanin ko.

Kaya ko..

:'(

Mahal na mahal kita. Gusto kita maging masaya.

Thursday, April 23, 2015

"Nurse sa Pinas"

Apat na taon na ang lumipas ng mag tapos ako sa kursong 'Nursing'. Apat na taon pero parang kahapon lamang. Mahirap makipag sabayan sa libo-libong nurse na umaasa na magkaroon ng maayos at matinong trabaho. Hindi naging madali ang buhay nars ko sa bansa natin. Akala ng nakararami, kapag nurse ka, mayaman ka dahil kaya kang ipag-aral ng mga magulang mo sa kursong halos pilipitin ang utak ko ng apat na taon.

Nung nag aaral pa lamang ako, aaminin ko..hindi ko binigyan ng importansya ang kursong akala ko hindi naman bibigyang kulay ang buhay ko. Matigas man ako sa mata ng nakararami noong kabataan ko dahil ginagawa at sinasabi ko ang gusto ko ng hindi iniisip kung may matutuwa o masasaktan ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

Hindi naging madali. Sobrang hirap. Akala ko, hindi ko matatapos ang kursong hindi naman ako masaya sa umpisa pa lamang. Hindi rin nag tagal, natutunan ko intindihin ang importansya ng pagiging "nurse". Sa mata ng nakararami, ang pagiging nurse ay ang pag sunod sa utos ng mga doktor, pag bibigay ng gamot at pag aalaga laman sa mga pasyente.

Nagkakamali kayo. Para saakin, "It takes guts to be a NURSE". Utak at katawan ang kailangan mo paganahin sa trabahong tulad nito. Walang break time-break time, walang ihi-ihi, walang kain-kain, at walang pahinga-pahinga. Lahat yan naranasan ko.

Pero sa kabila ng lahat, sobrang hirap man ng buhay namin, oo buhay talaga kung maituturing ko ang pagiging nurse, ang makarinig lamang ako ng appreciation mula sa mga patient ko, hindi ko alam pero tuma-tumbling talaga ang puso ko! Parang lahat ng pagod nagiging "worth it".

Masaya ako ngayon lalo na ng simula kong maappreciate ang mga Senior Citizen. Parang lahat ng tulong na pwede ko ibigay, ibibigay ko sakanila maging maginhawa at masaya laman ang kanilang pakiramdam. Ang puso kong kasing tigas ng bato ay lumalambot pag sila na ang humihingi ng alalay ko. 

Patient ang nag bibigay kulay sa buhay ko. Sila ang nag papaalala sakin na...

"Naging nurse ako, para sakanila". :)

Monday, August 25, 2014

"Siguro alam ko, in denial lang ako.."

Almost 3 months na ng ma-hire ako ng isang kilalang HMO company, maganda ang trabaho, maganda din sana ang offer na sahod..

Okay, pumayag ako sa minimum, PLUS benefits and allowance daw so more or less, aabot to sa sahod na gusto ko. Okay na diba? Not bad. Pero ang di ko inaasahan na ilagay kami sa agency. Meaning, hindi kami direct. Omg! eto nanaman. Struggle sa pag hahanap ng trabaho. Kapag ikaw ay under ng isang agency, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ka mapro-promote, walang appraisal at WALANG bonuses.

Ilang tao na ang kinausap ko sa mga problema namin sa sahod pero walang nangyayari, kahit supervisor ko walang magawa. Asan ang benefits na sinabi? Ang allowance? Nalulungkot ako na exploited ang mga nurses sa Pilipinas. :'( Hindi maganda sa pakiramdam. Sobrang nakakawalang gana mag trabaho sa company na kilala nga, pero walang kwenta magpasahod.

In short, aalis nanaman ako dito. Minsan iniisip ko, ano ba naging kasalanan ko sa Dyos at ganito ang nangyayari sa buhay ko. Naging ganoon ba ako kasama sa mga tao noon kaya ngayon pinaparusahan ako ni Lord ng sobra-sobra?

Dahil dalawa ang company na pinag tra-trabahuan ko, kinukuha narin ako nung isa bilang regular nilang empleyado. Nag try ako bumalik, nagpa interview ulit at yung final interview ko inaantay ko nalang. Sana matuloy, mas okay ang sahod na offer, naniniwala ako dun kasi yun din yung sahod ko sa tuwing nag o-On call nurse ako sakanila, pero alam mo yung feeling na baka pag umasa ako sa bagay na to, hindi nanaman maganda yung kalabasan. Nalulungkot ako at ganito ang nangyayari.

Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong makausap, wala akong mahingian ng tulong dahil alam ko, at the end of the day, ako parin, sarili ko parin ang aasahan ko. 

Nalulungkot ako. Ayoko na ng ganitong trabaho, palipat-lipat, wala akong makitang maayos na magpasahod. Gusto ko lang naman maging maayos ang financial needs para kela mama..

Siguro alam ko ang dapat gawin, alam ko ang nangyayari..pero in denial lang ako na kaya ko. :'(

Friday, June 20, 2014

Hibernate.

Ang tagal ko nawala sa pag susulat, sa mundo na kung saan nailalabas ko ang saloobin ko, ang mundo ng Blogsphere. Halos isang taon mahigit na ng muli ko tong sinulatan. Nawala ako kasi sinubukan ko ayusin ang buhay ko.

Sinimulan ko sa sarili ko. Inayos ko ang nararamdaman ko sa bawat taong nakapaligid sakin. Inalis ko ang galit na nararamdaman ko sa mga taong sobrang pananakit ang naidulot sakin. Naging okay naman ako, naging maayos. At alam nyo naman ang nangyari.

Sinunod ko ang buhay-trabaho ko. Nag training ako para makapunta ng Canada. Gusto ko maramdaman din nila mummy kung gano kasarap mag travel sa ibang lugar. Tapos narin ako sawakas! sa lahat ng training ko para sa pag apply ko sa Canada. Naka line up narin ang mga papeles ko. Halos isang buwan na ang nakalipas ng maayos ko lahat ng iyon. Nag hihintay nalang ako ng employer ko para makapunta doon.

Pangatlo, habang sa pag hihintay ko, sinubukan ko pumasok sa Hotel para magkaroon ng experience. Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging empleyado ng isang 6-star Hotel sa Makati. Pero sa di inaasahan pagkakataon, hindi kinaya ng katawan ko ang lintek na pagod sa hotel na yun. Bukod sa mala-demonyo ang mga boss mo dahil akala ata nila robot ako, wala silang pakialam kung ang pasok ko ay 8am-1am. Madalas sa pag uwi ko mula sa trabaho, nagmamanhid na mga paa ko. Hindi ko rin kinaya pati ang byahe dahil 2 oras bago ako makapasok at umuwi. Sa madaling salita, nag awol ako! Pilit akong tinatawagan ng mga ulupong na hr pero ayoko na. Hinding hindi na nila makikita pa ang bakas ko dun. Hindi ko narin sinoli ang nameplate. Dahil ayoko na bumalik at maalala yung mga paghihirap ko sakanila.

Pang-apat, sa awa ng Dyos, may kakilala ako sa isang maayos na company malapit sa bahay namin. Binalikan ko ang buhay nars. Tatlong taon ko tinakas ang linyang yan sa takot na baka hindi ko magampanan ng maayos ang pagiging nars ko. Pero ang tanging naging bala ko, ay lakas at tibay ng loob. Pumasok ako ng walang kaalam-alam exept sa talinong natitira pa sa ulo ko. Hindi ako nabigo, hindi nila ako binigo. Masaya ako dun, kahit on call lang ako. Pasulpot sulpot na trabaho, pasulpot sulpot na sweldo, pero MASAYA AKO. Ngayon ko na-realize na..Oo, iba parin talaga pag alam mo ang mundong kinagagalawan mo. Kahit andaming nag da-down sakin..MASAYA ako at FULFILLED sa pakiramdam.

Sa bait ni Lord, binigyan pa nya ako ng chance maging part ng isang kilalang HMO company. Na hire ako last week bilang regular na company nars. Pero dahil hindi direct ang hiring process nila, iba-iba ang impormasyon na natatanggap ko. Hindi nag tutugma. Sa inis ko, nag escalate ako agad. Kasi ayoko ng ginagawa nila sakin, lalo na sa lintek na agency namin dahil hindi nga direct. Sabihin na nating nabastos kayo dahil hindi ako dumirecho sainyo, pero alam kong walang mangyayaring action pag sainyo ako dumirecho kasi tatanga-tanga kayo sa totoo lang.

Kahit ang hirap-hirap ng nangyayari sakin. Nakukuha ko nga lahat ng gusto kong trabaho pero yung mga nasa taas, ang humihila sakin pababa. Pero di ako papayag mangyari yun.

Kahit na yung akala kong mga tao na tutulungan ako, susuportahan ako. Palalakasin ang loob ko..wala. :'(
Sobrang nasasaktan ako sa nangyayari kasi hindi ko akalain na haharapin ko to mag-isa. Na ako lang, wala ng iba. Ang hirap, lalo na ibinibigay ko 1000000% ko pero yung kapalit 5% lang na suporta. Nasasaktan talaga ako. Kaya hindi nawawala sa isipan ko araw-araw na at the end of the day, MAG-ISA LANG AKO. :'(

Bakit? Ano ba naging kasalanan ko sainyo? Saan ako nag kulang para tratuhin nyo ko ng ganito? Naging ganun ba ako kasama? Alam ko hindi ako laging mabait, pero hindi ko matanggap talaga na yung mga akala kong susuporta sakin, ay wala pala.

Para akong uma-asa sa hangin na baka isang araw, may mag trato din sakin ng 1000000% nila. :'(

Thursday, September 26, 2013

“WHY DO YOU THINK WE SHOULD HIRE YOU!?”


“WHY DO YOU THINK WE SHOULD HIRE YOU!?”

                 This is the common interview question to all applicants. This question is purely about selling yourself in the interview. Think of yourself as the product. Whenever we do apply for a new job, that question will never be out of the line. Before we sincerely answer, we should know the background of the said company and we should also understand the job description of the position we are applying for so that we’ll be able to know if we can handle it. While answering this question, remember that the answer should not be self-centered or be completely unrealistic. You should focus on providing reasons to hire you over someone else in the best way you can and answer it directly.

                 First, tell exactly your achievements, for example, me as an experienced call center agent, I will answer this way, “You should hire me because I have the expertise in the area of customer support that is required in this position. I was a consistent top employee since I was hired in my previous company. I have what it takes to fill the requirements of this job and I can solve customer problems using my excellent customer service skills.”
              
Second, I will prove myself that I’m qualified and eager to be hired. I must tell the interviewer that “I am willing to enhance my skills, using my talent and ability. I want to prove to all that I am the right person for this job. I am confident that I would be a great addition to your company, I can perform well and you will never regret if you will hire me. I am flexible in the sense that I can easily cope up with the changes within my environment. I can deal with different people and do tasks beyond the limit of my expertise. This aspect would help me to become a more productive employee of your company. When it comes to work, punctuality is a must for me so you will never see me running late. I also really want to be a part of your company because it is known as one of the best in our country. “

             




====>My essay for my autoskill training. :)